Chapter 58:NO! NO! NO!

93 0 0
                                    

"Kung hindi malandi yang kaybigan mo ANO TO!?"sigaw nya sabay pakita ng mga picture kaya nanlaki yung mata ko at ikinagulat nila xiumin oppa t-teka hindi naman totoo e! Hindi naman ako nakikipag landian sa mga photo's nayan at viral na viral na NO! NO! NO!

"H-hindi naman ako nakikipag landian jan!"sigaw ko sabay hablot ng cellphone nya at balibag kaya nasira.

"No! Kung hindi bakit mo sinira yang impormasyon ko!"sigaw nya sabay sugod pero pinigilan lang sya ni suho oppa at luhan oppa.

"Walang katotohanan yan!"sigaw ko sa lahat kaya nasamin na lahat ng atensyon pati yung nasa labas.

"Hindi? Ano yung mga yon iniisa isa mo sila you bitch!"sigaw nya tyaka ngumisi hindi pwede! Viral na sya at alam kong hindi kona mabubura yon pero kapag nag paliwanag sya siguradong mawawala yon pero alam kong hindi kosya makukumbinsi at mas lalong alam kong sya ang may kasalanan ng lahat nato!

"Burahin mo yan at ipaliwanag mo na hindi totoo ang lahat na yan!"sigaw ko pero pumalakpak lang sya at tumawa pinipigilan lang ako ni chenchen at madie kahit si madie hindi makapaniwala tinignan kosya na wag syang maniniwala.

"Bakit ko gagawin yon? Kasalanan kobang malandi ka at kitang kita pa."sabi nya tumingin ako sa paligid hindi kona kaya wala nakong laban dahil buong mundo ang nakakita may paliwanag sya sa taas at madaming nagagalit.

"Summer huminahon ka gagawan natin to ng paraan."bulong ni chen pero hindi ako mapakali kumawala ako sa mga kamay nila at hinigit yung braso ni elissa na ikina inda nya.

"Walang katotohanan ang lahat ng yon kaya burahin mo yon at ipaliwanag na hindi totoo ang lahat nayon hindi lang ako ang madadamay dahil sa pinag gagawa mo pati sila!!!"malakas kong sigaw kitang kita sa muka nyang sakit na sakit na sya kaya bago kopa sya bitawan at tumakbo palabas talagang pinakabaon ko yung kuko ko para tanda ng pagkagalit ko.

Tumakbo lang ako ng tumakbo pinag titinginan na nila ako wala akong pakeelam naka salubong ko rin si kayla tawag sya ng tawag pero hindi ako tumigil pag labas ko malapit nako sa gate ng biglang humarang yung guard sa gate pero nakalusot ako maya maya lang pumatak nayung mga luha ko hindi pwede to!

Nakarating ako sa playground wala pang masyadong tao dahil may mga pasok yung mga bata at kung may mga tao man mga dumadaan lang kaya ako lang mag isa dito bigla akong napa luhod sa damo dahil sa pagod ko hindi na kinaya ng tuhod ko ang layo banaman nito.

Kagad kong kinuha yung cellphone ko at nag open sa facebook nakita ko yung picture namin ni xiumin oppa yung naka hawak yung kamay ko sa dalawa nyang pisngi at pag tingin ko sa iba kay luhan oppa naman yung naka akbay ako sa kanya at yung kay kai na napakapit ako dahil sa pusang lumabas sa damuhan at yung pag SAYAW KO!? Yung kinantahan ko sila remember yung TWINKLE TWINKLE? Sino bang may pakana ng lahat ng to!? At pati yung...unang ma meet ko yung exo ngayon naman muka ko yung hindi naka takip at yung muka ng exo yung kay ate naman kaming lahat naka takip yung muka maliban lang sa exo at kay ate bakit parang baliktad na!?Alam kong hindi lang si elissa dahil hindi nya magagawa to dahil hindi naman sya basta basta makakakuha ng litrato ng ganon ganon lang may iba pang picture na pinost tinignan ko yung intagram ko ganon din ang daming nag share pati narin sa twitter ano ng gagawin ko!?

Ayokong manisi or mambintang pero satingin ko isa si carlo hindi kaya sya yung nag video saken nung araw na nag sasayaw ako tinanong ko sya nung araw nayon kung nakita nya ba umoo sya pwedeng sya pero pwedeng iba pero kase walang ibang tao don kung hindi sya lang.

The Twelve Hot Men :OFFICIAL #FANFICTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon