Hanggang saan nga ba aabot ang pagiging tanga mo para sa taong mahal mo? Kaya mong ibigay lahat para sa kanya maging masaya lang siya. Kagaya ko, isang tanga na hanggang ngayon ay umaasa na mamahalin ako ng taong may mahal ng iba.
"Clarissa! Sama ka?" Sigaw ni David nang makalabas na kami ng restaurant, it's five o'clock in the morning at katatapos lang duty namin as graveyard shift.
"Seriously? Saan? Alas singko na ng madaling araw, wala ka bang kapaguran?" Natatawang sabi ko saka naglakad na. Medyo mainit na ngayon dito sa Dubai dahil pasimula na ang summer. Uso na naman ang nakawan ng ipon ng tubig sa cr, dahil nakakapaso ang mainit na tubig dito tuwing tag-init.
"Ikaw naman, alas singko pa naman ng hapon ang pasok mo mamaya. Sumama ka na, dahil umiiyak ang tropa natin ngayon." Pilit niya habang sinasabayan na akong maglakad. Malapit lang kasi ang bahay ko dito sa pinapasukan ko.
"Sino? Bakit wala akong alam?" Natatawang tanong ko dahil ilang araw na rin akong graveyard shift kaya wala na akong balita sa mga morning and mid shift.
"Si Michael, niloko ng girlfriend niya." Sabi niya na nagpalaki sa dalawang mata ko, humarap ako sa kanya.
"What?! Yung girlfriend niya na nasa Pinas? Yung 3 years na niyang girlfriend?!" Hindi makapaniwalang sambit ko, tumango-tango siya habang nakangiti sa akin.
"Yes! Kaya magkakaroon ka na ng pag asa sa kanya!" Pang aalaska niya sa akin kaya naman mabilis ko siyang kinurot na siyang inarayan naman niya!
Si Michael ang pinaka masiyahin sa aming magkakatrabaho, isa siya sa pinaka loyal na nakilala ko sa kabila ng pagiging long distance relationship niya sa girlfriend niya. Never ko siya nakita or may narinig na balita na may iba siya or may pinopormahan siyang iba. Kahit pa napaka gwapo niya at gentleman. Palagi niyang ka-video call ang girlfriend niya and sinisigurado niyang alam ng girlfriend niya kung nasaan siya at sinong kasama niya. Madalas siyang iasar sa akin ng mga tropa dahil tinatawag niya akong best friend niya simula nang dumating siya dito sa Dubai.
Kaka isang taon palang niya dito. At nung matanggap siya sa company namin ay ako ang una niyang nakilala dahil ako ang pinaka matagal na sa isang branch namin dito sa Dubai. Ako ang naging trainor niya na naging dahilan para mas maging malapit kami sa isa't isa.
"Nasaan siya ngayon?!" Hiyaw ko.
"Na kela Jhano siya." Sabi niya na ngiting ngiti saka nagmadali na kaming maglakad papunta kela Jhano.
Pare-pareho lang kaming malalapit ang bahay sa trabaho, mga kinse minutos ang nilalakad papunta kela Jhano.
Isang doorbell palang namin ay pinagbuksan na kaagad kami ni Jhano. "At dumating din ang kanina pang hinahanap ni Michael!" Bungad ni Jhano.
"Nasaan siya?" Pag aalala ko.
"Wow! Alalang alala si best friend!" Pang aasar ni David na nagpatawa kay Jhano.
"Nasa balcony, kanina pa nagrereklamo yung mga ka-flat ko dahil sa ingay niya." Dinig na dinig ko ang boses niya na ngayon ay kumakanta ng one last cry.
Nang sumilip ako sa balcony ay napatigil siya sa pagkanta at isang malapad na ngiti ang ibinigay niya sa akin at sinabing... "Bakit ngayon ka lang?!" Hinila niya ako palapit sa kanya saka niyakap na siyang nagpatibok ng mabilis sa puso ko. Panay ang hagikhikan nila David sa isang sulok at alam kong pinipicturan na naman nila kami para ipost sa secret group naming magkakatrabaho at pagpiyestahan ng asaran.
Dahan dahan kong tinulak si Michael palayo sa akin at tinitigan ko siya. Lasing na lasing na siya at sobrang hindi na okay ang itsura niya ngayon.
"Umuwi ka na." Sabi ko, ngumuso siyang parang bata at umiling. "Hinintay nga kita eh. Tapos pauuwiin mo naman ako." Reklamo niya.