Nasanay akong patay ang kandila ng puso ko.Walang liwanag.
Walang anino.
Walang kahit ano.
Madilim lang at malamig.
Ngunit nabago ang lahat simula nang dumating ka sa buhay ko.
Binuhay mo ang kandila sa puso ko.
Nagkaroon ng liwanag upang makita ko ang pagmamahal mo.
Nagkaroon ng anino upang malaman kong hindi ako nag iisa.
Naging makulay at mainit ang bawat pagtibok nito.
Pero, hindi ko inaasahang ikaw rin ang magpapatay ng sindi sa kandilang ito.
Dahil hindi ko napapansin na habang nakasindi ang kandila ng puso ko, ito pala ay kusang lumuluha.
--
Created: February 23, 2018
Posted: September 12, 2018