New Neighborhood
Kasalukuyang inaayos ni Allison ang kanyang mga paninda nang lumabas si Janella sa kanilang kwarto na nakasuot ng uniporme.
"Good morning maganda kong ate"bati ng kanyang kapatid.
"Good morning!Mukhang maganda ang gising natin ah".
"Oo naman ate.Ikwento mo na kasi yung lalakeng nakabangga mo kahapon ate",pangungulit niya sa kapatid.*Flashback*
Pag uwi ni Allison kahapon sa bahay,saktong naabutan niya ang kapatid na naghahanda ng kanilang hapunan.Nakita ni Janella ang maruming damit ng kanyang ate kaya't napilitan siyang ikwento sa kapatid ang nangyaring banggaan nila ng isang estrangherong lalake.
*Flashback ends*
"Naku,tigilan mo ako Janella ha"ani ni Allison.
"Eh ate,gusto ko lang malaman kung gwapo at macho?"
"Oo,gwapo pero antipatiko"
"Yiehh,inlove na si ate",pangungutya ni Janella.
"Oo! Ay hindi! Gwapo siya,oo,pero di ko siya gusto",banat ni Allison.
"Talaga ate?Akin na lang,di mo pala siya gusto",dagdag ni Janella.
"Heh! Kumain kana lang diyan at pumasok kana ",pagtitigil ni Allison sa kapatid.
Tawa lang ang sagot ni Janella sa kapatid at pagkatapos mag almusal ay pumasok na sa eskuwelahan.
Napaisip si Allison kung kelan nga ulit sila magkikita ng binata upang maisakatuparan ang paghihiganti nito sa kanyang ginawa noong una nilang pagkikita.
"Allison! Allison".
Napatigil sa pag iisip si Allison ng may tumawag sa kanyang pangalan.Kaya't dali dali siyang lumabas upang tingnan ang kung sino mang may ari ng boses na iyon. Saktong paglabas niya ay nakita niya si Guilliane na kanyang kaibigan at kapitbahay.
"Oh ang aga aga ,nagsisigaw ka diyan Guilliane.Anong meron"?tanong ni Allison sa kaibigan pagpasok nila sa bahay.
"Bes,may bago na tayong kapitbahay ,diyan sa tapat natin.And guess what? Ang gwapo bes",chika ni Guilliane na kinikilig.
"Eh ano naman kung gwapo? Kinikilig ka diyan"
"Bes,wag kang KJ.Baka siya ang makakatuluyan mo para magkalovelife ka naman ,at Hindi puro pagtitinda ang inaatupag mo", mahabang litanya ng kaibigan kay Allison.
" Hay nako bes,wala akong panahon para diyan,kung gusto mo ,sayo na lang",sumbat ni Allison kay Guilliane.
"Ayaw mo nun bes,balita ko mayaman daw,,Hindi mona kailangang magtinda pa,pag siya ang naging asawa mo,Doña Allison na twag namin sayo",patuloy ni Guilliane.
" O siya,nangangarap ka na naman ng gising..Marami pa akong ititinda.Ipagpatuloy mo lang iyang imahinasyon mo",lumabas na si Allison sa kanilang bahay.
"Sige ka bes,tatanda kang dalaga", pahabol ni Guilliane bago nagpaalam kay Allison.
Nagpatuloy na lang sa paglalakad si Allison at hindi pinansin ang pangungutya ng kaibigan sa kanya.
Napatigil siya sa tapat ng inuupahang bahay at nakita niya ang isang itim na kotse na nakaparada sa garahe ng bahay.
" Teka pamilyar sa akin tong kotse dito ah",usal niya dito.
"Pero marami naman magkakaparehong sasakyan sa panahon ngayon,"dagdag niya..Handa na kaya niyang makita ang estrangherong lalake sa ikalawang pagkakataon?
Don't forget to Vote and comment !
Kamsahamnida Chingu!
@lhanxx_wp

YOU ARE READING
Love Is All That Matters
RomansaLet the world judge us, But no one can break us apart. Because Love Is All That Matters. ALLISON MAE BERNADEZ and CARLO IAN SALVEDA Love story😍