Maraming dahilan bakit tayo nasasaktan, pwedeng dahil sa pagkakadapa, pagka suntok, pagka untog, pagkahulog sa sahig, pagka sugat atbp. Pero wala yan kumapara sa nararamdaman natin ngayon . Yun hindi physical, kundi emotional. At hindi kayang lutusan ng alcohol at band aid lang. Yun kahit anong iyak mo eh hindi mawala-wala . Kahit matulog ka , kinabukasan pagkagising mo andun parin un sakit. Yun ung sakit na nanggaling sa puso mo dahil Nagmahal ka.
Sabi nila masarap daw sa pakiramdaman ang maging inlove. Syempre dahil lagi kang nakangiti, kinikilig at lagi kang inspired. Oo, part yan ng love eh . Pero di mo maiiwasan ang hindi masaktan . Kasi pag nagmahal ka kasama na jan ang masaktan ka , hindi puro saya lng .
May mga taong medyo minamalas at nasasaktan. Sila un nagmahal na nga ng totoo eh sinaktan pa sila. Minsan natanong natin ...
Bat ba ang tanga ko?
Bat ba di tayo maka hindi sa kanila, hindi natin matiis?
bat ba nila tayo sinaktan eh nagmahal lng naman tayo?
Bat ba kahit sinaktan na ko eh mahal ko parin sia?
Bat ba di natin sia maiwan?
At marami pang tanong natin . Pero alam natin isa lang ang sagot nian. Dahil sobra natin silang mahal kaya kahit anong sakit ang nararamdaman natin eh mahal parin natin sila.
Dba gnun naman pag nagmahal tayo? gagawin natin lahat para sa taong mahal natin kahit nagmumukang tanga tayo. Wala kang pakeelam sa sasabihin ng ibang tao basta mahal mo sia .
Dahil sa pagmamahal natin sa isang tao kaya tayo nasasaktan. Pikit mata natin ginagawa ang mga bagay para sa kanya. Yun halos kahit durog na un puso natin sa sobrang sakit , halos mamanhid na tayo, konting iyak lng eh mapapatawad na natin sila , wala eh mahal natin. Pero nakakapagod din pala. Nakakapagod magpaka tanga, nakakapagod masaktan pa ng paulit ulit. Actually nakakasawa na, kasi paulit ulit nalang pero hindi parin tayo nadadala .
Masyado tayo kung magmahal, binibigay natin lahat. Hindi na tayo nagtitira para sa sarili natin. Gawin ba natin tanga ang sarili? Tiisin ba naman ang kahit anong sakit? Antayin ba naman natin ang taong hindi na dadating?
Kaya tayo nasasaktan eh di tayo nagtitira para sa sarili natin . Dapat pag nagmahal tayo yun sakto lang. Hindi un sobra, dapat magtira tayo para sa sarili . Para kung sakaling iwan nila tayo eh hindi tayo masasaktan ng sobra sa huli.
