Tayong mga girls sana maintindihan rin natin ang mga lalake .Oo, may mga pagkakataon talaga siguro na medyo salbahe na ang mga asta nilang mga lalaki. Siguro may mga times na medyo nakakasakit na sila ng damdamin ng iba. Marahil nakaka-panakit na sila sa emosyonal o pisikal na paraan pero para sakanila katuwaan lang. Siguro nga hindi sila maiiyak kapag nagkwento tayo ng nakakaiyak. Siguro nga hindi nila maiintindihan kung bakit paminsan-minsan ang moody nating mga babae. Siguro nga mga manloloko sila. Manggagamit. Manyak. Nagmumura. Maiingay. Magulo. Gago. Tarantado. O kung ano pang mga pang-skwater na katangian. Pero minsan din naman kasi nasasaktan sila. Lalong lalo na kapag sinabi natin mga babae na "Pare-pareho lang ang mga lalaki."
Siguro naranasan na natin talaga yung feeling na mapagbintangan kahit wala ka namang kasalanan. Pero ibang usapan 'to. Hindi naman kasi natin kilala lahat ng lalaki eh, ba't natin dinadamay ang mga lalaking tapat at seryoso talaga? Bakit natin dinadamay ang mga dating manloloko na ngayon ay nagbago na. Diba? Think of it, hindi ibig sabihin na niloko na tayo ng isa, eh manloloko na ang lahat. Common sense. Hindi magkaka-connect ang mga ugali ng mga lalaki. Iba iba sila. Ang mga lalaki, gusto pa din nila ng mala-fairytale na love life. 'Yung tipong legal kayo sa mga magulang niyo. 'Yung kahit para lang kayong magbestfriend. 'Yung may magseselos pero pag sinuyo mo, ngingiti na ulit. Hindi yung nagselos lang, break agad. Gusto nila yung sabay na pupunta ng Mall para manood ng sine. Sabay kakain. 'Yung less text at mas madaming pagkakataon magkita. 'Yung wala na kayong hahanapin pang iba, kundi ang isa't isa lang. 'Yung tipong nagkakaintindihan sa mga maliliit na bagay. 'Yung pilit kumakapit. 'Yung perfect.Yung Parang mga gusto rin ng mga babae pag nagkarelasyon sila.
Tandaan natin lagi 'to mga girls, ang isang manloloko/playboy, may goodside yan. Kasi once na mahalin ka niyan, siguradong mahal ka niya talaga. At tandaan natin din na ang mga manloloko, PWEDENG MAGBAGO. Sana tandaan natin mga babae na magkakaiba ang mga lalake.
***
I made this para sa mga lalake ^^ i already made na kasi for girls eh :) para nmn fair sa mga lalake .And please votes nmn po kayo ^_^
TNX FOR READING !
