"Tama ba yung narinig ko aalis ka na?" Maiyak- iyak na sabi ni aly,ang aking bestfriend.
"Oo, ganon talaga alam mo naman na simula ng iwanan kami ni daddy, sandamakmak na bills ang sumalubong samin ni mommy and it is time para kumilos ako."
"Pero bakit kailangan mo pang magabroad, pwede naman dito sa Pilipinas na lang ah."
"Aly, maganda yung offer sakin don sa korea, pigilan mo ko kung sa north korea ako pupunta." Pabiro kong sabi
"Ferra!! Hindi nakakatuwa, kita ng nagddrama ako dito eh, nagawa mo pang magbiro."
Oo, Ferra ang tawag sakin ni Aly, kaunti lamang ang tumawag nyan sakin at sila yung mga mahahalagang tao sakin tulad ni Aly, kuya, mommy and...... dad, i miss him.
"Oo na hay nako, wag ka magalala papasalubungan kita ng poging koreano, ano okay ka na?" Natatawa kong sabi
"Talaga ba? Seryoso yan ah wala ng atrasan."
Tingnan mo to talaga nga naman, pagdating sa gwapo, nawawala sa sarili.
"Syempre joke lang yon, nako malalate na ako sa flight ko kailangan ko ng umalis."
"Ferra, magsskype tayo lagi ah wag mo kakalimutan."
"Oo daig mo pa boyfriend kung magsalita eh" natatawa kong sabi sa kanya
Hay, nasaan na ba si mommy? Kailangan ko ng magpaalam sa kanya, matagal din akong mawawala.
At ayon nakita ko ang mommy ko na umiiyak sa isang sulok at di kumikibo, feel ko tuloy mamamatay na ako sa ginagawa nila.
"Mom!! Stop crying na, im doing this for our own good, remember?"
" i know anak pero not this way, okay naman na ako na ang nagttrabaho ah, sapat naman ang cafeteria business natin."
"Mom, alam ko hindi sapat yon, at isa pa ang ganda nung offer sakin sa south korea mom, isang clothing brand manager, matatanggihan ko pa po ba yon?"
"Yung kuya mo kasi eh, walang ibang ginawa kundi magcomputer games all day, di man lang alam kung pano tumulong sa family natin"
"Speaking of kuya, asan sya? Dont tell me umiiyak din yon?" Taka kong sabi
"Ayon andon sa labas nagulat nga ako eh nagprisinta na sya daw maghahatid sayo mamimiss nya daw kasi ang baby sis nya."
Kahit kelan talaga si kuya, ganyan talaga sya kahit sabihin mo pang tamad may magandang puso din yan. Siya pala si kuya stephen dan, pero tawag ko sa kanya is kuya dan, kami kami lang din ang tumawag sa kanya nyan, steph/stephen ang tawag sa kanya ng karamihan, tamad sya oo, pero may trabaho yan, abt comp games ewan ko pero maliit lang sweldo don at hindi sa minamaliit ko si kuya ha, proud pa din ako dyan.
In my case, si mommy nagpapatakbo ng aming cafeteria, si kuya, nagttrabaho abt comp games and ako ito nasa harapan ko na ang pinakamagandang offer na natanggap ko ang pagiging isang clothing brand manager, pinaghirapan ko namang makuha yan, nagsimula din ako sa mababa.
"Hoy bunso, tulala ka dyan!!" Sabi ni kuya sakin na ikinagulat ko
"Ah wala kuya, iniisip ko lang na mamimiss ko kayo sobra."
"Kami din naman, sige na magpaalam ka na kay aly at mom, aalis na tayo."
And then i bid my goodbyes to them.
Umalis na kami ni kuya at finally nakarating na din sa airport.
"Salamat kuya ha, alagaan mo si mommy and kuya si Aly, kung ako sayo aaminin ko na agad para di na ako maunahan ng iba, you know ang ganda ni aly and maraming nabibighani yon."
Matagal ng may gusto si kuya kay Aly halata naman eh, and ito si Aly, andaming manliligaw eh ang ganda naman ng bestfriend ko so hindi na ako magtataka.
"Shut your mouth!! Aalis ka na nga ganyan ka pa"
"Just sayin kuya, otp ko pa naman kayo, support ako sa inyong dalawa, kaya kumilos ka na kuya, hindi yung nakastock ka lang sa kwarto mo playing your comp games." Pangchecheer ko sa kuya ko
"Oo na, sige na sige na malalate ka pa sa flight mo, bye baby sis, ingat ka don ha. Pasalubong ko dinn!!" Sabi ni kuya dan sakin
"Opo kuya, bye na."
At ayon na ang huling paalam ko sa kanila. Bye Pilipinas, matagal din tayong di magkikita. Para sa pamilya ko at para sa pangarap ko!
Kung magtataka kayo kung asan ang daddy ko, dont worry di yun katulad ng iniisip nyo na, hiniwalayan si mom coz of mistress or what o kaya naman dahil di nya na kami kaya, no, youre wrong at all, di ganon si dad and napakabait nyang tao, naiwan kami dito ni dad because of a car accident, a business car accident to be exact, isang talented clothing brand manager din ang dad ko at tinutuloy ko ang yapak nya, namimiss ko na sya sobra. Andaming bills dahil napagbintangan na si daddy and dahilan kung bakit nagkaroon ng isang car accident you see, innocent ang dad ko but then naging guilty ito. Mga tao talaga, wala silang alam sa totoong nangyari but they are so judgemental!!! I miss my dad so much at alam kong magiging proud sya sakin pagpunta kong south korea.
Andito na ako sa plane and ready na para sa paglanding nito, hello south korea!!
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong artista
FanfictionHi ako si Yasmeen Ferranco Jung Ocampo, oo tama ka half korean and half filipino ako. Hindi ko inaasahan na paggising ko isang malaking offer ang matatanggap ko, at ang pagttrabahuan ko, ay... isang.... artista?!