Chapter 4

440 15 5
                                    

Isang lalaking topless ang bumungad samin ni Stella. Dahan dahan akong napalunok dahil sa 6 pack abs nya.

Nakatwalya pa siya sa kanyang pambaba kaya halatang bagong ligo lang ito. Dahan dahan kong itinaas ang mukha ko para makita kung sino ang client ko.

Nanlaki ang mga mata ko. S-si Lee Jong Suk?! S-siya yung d-designan ko ng mga fashion lines ko?!!!

Kinurot ko ang sarili ko kung totoo ba tong nangyayari sakin ngayon. Nasaktan ako so this is not a dream! Ferra, si Lee Jong Suk yang nasa harapan mo, O-M-G! ANG GWAPO NYA SOBRA SA PERSONAL.

Tiningnan ko si Stella if she have any idea about this. Pero mukhang wala din syang kaalam alam kagaya ko. Nanlaki din ang mga mata niya.

Biglang nagsalita si Lee Jong Suk para basagin ang katahimikan nangyayari samin.

"Uhm hello, you are Yasmeen right?" omg pati boses niya ang gwapong pakinggan, inabot nya sakin ang kamay nya to handshake.

Ferra, focus! This is your job so stop fantasizing.

Inayos ko ang sarili ko at inabot ang kamay niya. Pero Di ko talaga mapigilan ang pag fafangirl dito. Ang lambot din mga kamay niya. Ang ideal man naman niya haaaay.

"Yes, and you are Lee Jong Suk, I can't believe you are my client." Saad ko habang hinahand shake siya.

Nginitian niya naman ako. Shocks ang gwapo talaga. Okay Ferra focus pwede?

"Come in and let us talk about our contract inside." sabi nya

Pumasok na kami dun and malaki naman tong condominium niya, nakaka amaze nga e kasi yung apartment ko mas maliit pa pala kesa dito sa sobrang luwag ng space.

Pinaupo niya kami ni Stella sa sofa and nag bihis na siya sa kwarto niya.

Binulungan ko si Stella. "Do you have any idea about what is happening right now? Grabe hindi ako makapaniwala na siya yung naiassign sakin!" mahina kong sabi

"I also have no idea ma'am yasmeen, I'm also shocked as well as you. Pero ang gwapo niya talaga in person." pabulong din niyang sabi

Biglang lumabas si Lee Jong Suk sa kwarto niya and nakapang bahay na attire lang siya. Tshirt and shorts but still ang lakas ng dating niya.

"You still haven't introduced yourself, uhm may I ask who are you?" tanong niya kay Stella

"Let me introduce to you, Stella, my personal assistant." Saad ko

"Oh, nice to meet you Stella" like me inabot nya din ang kamay niya kay Stella para ihand shake ito, nanginginig namang inabot ni Stella ang kamay niya, kinikilig siguro to

"So ma'am Renee sent me here to discuss my contract between the two of us about me being your personal manager fashion designer. You just need to sign here and we are all set." sabi ko sa kanya habang itinuturo ang papel.

Pinirmahan niya na ito and we are good to go.

"Thank you Sir Lee Jong Suk. It is an honor to work with someone like you." sabi ko

"You are welcome Yasmeen and also you Stella, looking forward for your artistic fashion designs." malambing niyang sabi

Tumango ako at palabas na kami ni Stella sa kanyang condo pero bago ko pa mahawakan ang doorknob bigla niya akong tinawag.

"Ferra! It is nice meeting you again." pasigaw niyang sabi dahil medyo magka layo na ang agwat namin.

Nagulat ako sa sinabi niya. Ferra?! iilang tao lang ang tumatawag sakin nun ah, and nice meeting you AGAIN?! Anong again e ngayon nga lang kami nagkita.

Kinunutan ko siya ng noo dahil naguluhan ako sa mga sinabi nya. Pano nya nalaman yung nickname ko and ang inaallow ko lang tumawag sakin non is yung mga importanteng tao sa buhay ko.

Who are you, Lee Jong Suk?

_______________________________________

Hi guys subscribe na po kayo sa channel ko, pls do support me dun din po. Maraming salamat in advance.

Channel name: Franz Louisse Ocampo

Ang boyfriend kong artistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon