Chapter Four
PIPPA
"Sakay!" Walang kaimo-emosyon na sabi ni Aiden. Agad namang nagpanting ang pandinig ko ng marinig ang malamig na tono ng boses niya. Lalong nakakainis. Bakit ba ganon? Basta basta nalang niya akong hihilain palabas ng bar tapos makautos? Wala man lang bang ka-care care sa katawan tong lalaking to?
Tapos bigla nalang na binitiwan ni Aiden yung kamay ko. Nagsalubong yung kilay ko. Maka bitaw akala mo naman nakakadiri yung braso ko. Yung totoo? Sino bang humawak sa akin, diba siya?
Napailing nalang ako tsaka ko niyakap ang sarili ko. Matapang na sinalubong ko ang tingin niya. "May kotse ako! I don't need you." Dalawang taon mo akong iniwan, nakaya ko. Mas kaya ko ngayon. Akala mo!
Napailing nama si Aiden. Huminga sya ng malalim tsaka binuksan yung passenger's seat. "C'mon Pippa. Sakay na." Tumaas mga balahibo ko sa katawan. Aiden was calmer but dead serious. It's not that I can read him or something. It's in his tone. Medyo nakakaintimidate pa yung mga tingin niya. Para niya akong kakainin ng buhay.
"A-Y-O-K-O." Pagmamatigas ko. Aalis na dapat ako para iwanan siya ng bigla nalang akong napatili. Naramdaman kong umangat ako mula sa kinatatayuan ko. Napapikit nalang ako sabay pulupot ng kamay ko sa leeg niya. Malay ko ba kung ihulog ako neto?
I shut my eyes closed. Alam ko kasing namumula na ako. Ramdam na ramdam ko yung katawan niya. Sa sobrang lapit namin, pati paghinga nya ramdam ko. Pati yung cologne na gamit niya. Napaka musculine na may halong amoy narin ng usok at alak. It's intoxicating. Kung ibang lalaki lang to, mabantot na. Pero bakit kay Aiden? Ang bango ang sexy plus hott niya padin? UNFAIR.
Bakit ba kailangan pa akong buhatin in a bridal style ni Aiden freaking Suarez? Tsaka bakit ganon? Parang kabayo sa bilis ang pagtibok ng puso ko. Shit. Don't tell me, sa sobrang lakas eh naririnig pa niya. No freaking way. Nakakahiya.
Nagwawala na rin ang kung ano mang nasa tiyan niya. Ano ba naman. "Aiden! Ano ba!" My voice cracked. Damn. Tapos napatingin ako sa kanya. Shit. Wrong move.
Napatingin din kasi siya sa akin. Saglit na nagtama yung mga mata namin. My insides stirred again. As usual ako unang nag-iwas ng tingin.
"I have my own car. Kaya kong umuwi mag-isa." Sabi ko nung makasakay na rin siya. Sinubukan ko pang i-unlock yung car door. "Damn." Bulong ko sa sarili ko.
Nakita ko namang umiling si Aiden sa peripheral vision ko. "Don't try and escape me." Sabi niya tapos pinaandar na niya yung kotse. Bakit kasi may mga kotseng automatic ang lock. Inis!
"Where are you staying?" Tanong ni Aiden na bumasag sa katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko sana siya sasagutin kaya lang, pano niya malalaman kung saan ako ihahatid?
I sighed. "At Golden State." Simple kong sagot. I didn't dare look at him. Instead I focus my gazed at the window, on the streetlights and random cars.
Matagal ulit bago nagsalita si Aiden. Suspense? Nakakaloka. "Condo yun diba? Bakit nandun ka?" Tanong nito.
Kasi ayoko dun sa bahay natin. Masyadong malungkot. Ikaw kayang tumira sa malaking bahay ng mag-isa. Buti nga hindi ako nasiraan ng ulo eh. Idagdag mo pang iniwan mo ko pagkatapos ng kasal natin, pagkatapos nating mag-sex. Matapos kang umalis dahil sa babae mo. Sige ikaw magstay dun.
Syempre, hindi ko sinabi yun. "Bakit hindi." sarkastiko kong sagot. Actually, kay Georgina yung condo. Nakikituloy muna ko. Madalas din naman kasi siyang wala kaya pinagamit muna niya sa akin. Kesa naman daw malungkot ako sa bahay KO.
Napailing nalang siya dahil sa sagot ko. Nanlaki mga mata ko kasi lumampas na kami papuntang Golden State. "Hoy, lumampas na tayo sa Golden State!" Sabi ko sabay baling sa kanya. Focus lang siya sa pagda-drive. What the hell. "Aiden!" Sigaw ko sa kanya. Para kasing hindi niya ako naririnig.
BINABASA MO ANG
She's JUST His Wife
RomansaThey started things wrong. But is her love enough to make it all right? Maybe she's NOT JUST his wife. #Taglish