fight [ernestine x andrei]

279 6 0
                                    

extremely short

***

"Uuwi na ko. Maaga pa flight namin bukas." Si Ernestine ang unang bumasag sa mahabang katahimikang bumabalot sa kwartong kanina ay puno ng sigawan.

Pareho silang naghahabol hininga ng nobyo, pilit kinakalma ang mga sarili.

"No, Tin. Walang aalis nang hindi natin naaayos 'to." Kalmado na rin ang boses ni Andrei, pero may taglay na diin pa rin ito.

Napabuntong hininga na lang si Tin. "Drei, I know we promised to never sleep without resolving things pero please, just this once, let it go." Bukod kasi sa maaga pa ang flight nila ng kanyang teammates papuntang Hawaii bukas ay pagod na rin siya mula sa pagtetraining at pag-aaral buong araw. Hindi na niya kaya makipagtaasang muli ng boses kay Andrei.

"Tin..."

"Drei, please. Mag-usap na lang tayo kapag pareho nang klaro yung utak natin. I'm tired of fighting." 

###

northern downpourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon