Kaibigan lang kita..Oo kaibigan lang kita...
Kaibigan lang ang turing mo sakin oo.
Pero ni minsan ba tinanong mo ba ako na gusto ko ba ang titolo ko bilang Kaibigan mo?
Hindi Mo ba naisip na May mas malalim pa akong nararamdaman sayo?
Oo alam ko Kaibigan mo lang ako
Kaibigan mo lang ako
Kaibigan mo lang ako
At hindi ako ang mahal mo!
Mahal mo sya naiintindihan ko pero ni minsan ba sumagi sa isip mo na tanungin ako kung kaibigan nga lang ba ang turing ko sayo?
Simula nung bata pa tayo may gusto na ako sayo
Pilit kong pinaparadam sayo kaso Patuloy mo lang sakanya binibigay ang atensyon mo
Yang mga mata mo pilit kong tinitignan pero ang titig mo nasa kanya na Hindi ka gusto..
Hindi ko hinihiling na maging tayo pero sana pakiramdaman mo naman ako oh?
Wag mo ko paasahin ng ganito dahil nasasaktan din ako!
Ibang klaseng sakit ung nararamdaman ko dahil Kaibigan mo lang ako!
Bakit nga ba ako magseselos,bakit?meron bang tayo?
Oaky lang ako..
Okay lang ako basta masaya ka.
Ngunit sana maging okay lang din sayo na maging masaya ako.
Dahil wsa mundong ito,sa lahat ng imposible,isa lang ang nakasakit sakin ng husto.
Ang imposibleng Maging tayo at magkaron ng tayo..
YOU ARE READING
UNSPOKEN
Poetry"Mga tula na nilaan ko hindi para sayo kundi para sa lahat ng mahal ko"