Simula

177 5 0
                                    


Ito na..

Ito na ang simula..

Simula ng pag Sulat ko ng tula.

Tula na hindi para sa sayo

Kundi para sa akin at iba.

Simulan natin..

Ano nga ba ang tula?

Dito ba naglalabas ng kadramahan sa buhay na hindi kayang ipagsabi sa iba dahil ayaw mong mahusgahan

Na kapag sinabi mo ang iyong nararamdaman sasabihin nilang nag iinarte ka lang

Na kapag Umiyak ka sa harapan nila sasabihin nila Mawawala din yan

Pero paano ba nila nalalaman na tayoy tunay na nasasaktan?

Na kailangan natin ng taong masasabihan ng nararamdaman

Ung tipong imbis na ikay husgahan ay tutulong pa silang hugasan ang puso mong nadumihan sa maling taong iyong pinagkatiwalaan pero sa huli ikaw na ang nasaktan,ikaw pa ang iniwan.

Pag nagsulat ka ng tula ay masasabi mo ang lahat ng iyong nararamdaman

Kumuha ka ng lapis at papel

Simulan isulat ang iyong Nararamdaman

Tanungin ang sarili kung kakailanganin mo bang ikabisado

Para kapag isang araw na kailangan mo na itong sabihin sa entablado ay hindi ka na kabahan at madehado

Ang pag sulat ng tula ay isang talento na mahirap abutin Kaso hindi nila nakikita kase sa mund ngayon mukha na ang basehan ng talento..

Mamahalin ka nila

Mamahalin ka nila dahil sa mukhang mong maganda o gwapo

Ni hindi nila papansinin ang iyong Talento

Dahil bastat ikaw ay maganda o gwapo...ikaw na ay mamahalin ng tao.

Ang pagsulat ng tula ay hindi Nagdadrama lang

Kase kung kayo ang nasa pwesto namin mas malala pa ang inyong magagawa

Kung kakailangin mo ng mapagsasabihan ng nadarama

Kumuha ka ng lapis at papel at isulat...

"Ang pagsulat ng tula ay talento na kayang Gawin ng bawat tao"

UNSPOKEN Where stories live. Discover now