Okay lang ako.
Tatlong salita
Onseng letra
Pero masakit ang dala.
Okay lang ako,sabi ko.
Pero sa kaloob looban ko,Durog na durog na ako.
Bawat isa,Iiwan ako
Tatanggapin ko uli,pag nakuha na ang kailangan ,iiwan na uli ako,
Ano ba ako sainyo?
Tao lang ako,Minamahal ang mga kaibigan ko
Masakit maiwanan.
Ipakita nyo namang spesyal ako,Dahil kayo Napaka spesyal sa puso ko.
Hindi ko sinasabing peke kayo.
Pero sana ipakita nyo naman na totoo talaga ako
Gagawa kayo kasalanan,Sasaktan nyo ko
Ang sakit sakit pero isang sorry nyo lang tatanggapin ko ulit kayo
Sana,hindi maubos pasensya ko
Sana matanggap ko padin kayo
Dahil sa likod ng mga ngiti ko
Ang mga hinakit ko sainyo at sa sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/144821805-288-k868322.jpg)
YOU ARE READING
UNSPOKEN
Poetry"Mga tula na nilaan ko hindi para sayo kundi para sa lahat ng mahal ko"