LDR

30 1 0
                                    


Gala

By: Mimi

" Tara gala ? "
Dalawang salita di ko magawa.
Magawang sabihin sayo dahil ang layo mo.
Malayong tanging telepono nagkukonek dito.
Gusto ko man sabihin sayong gumala tayo,
Pero milya ang layo mo sa tabi ko.

Gustohin ko man mayakap ang tulad mo.
Pero subrang labo .
Kasing labo ng tsansang makasama ka  Mahal ko.
Siguro hindi man sa ngayon ang tamang panahon,
Sana pag dumating man yun, mahal mo parin ako non.

Napapayak sa unan ,
Ang tanging sandalan .
Luhang pumapatak ' na syang tanging tagapunas pag akoy nahihirapan.
Gustong gusto kitang yakapin pero masakit isipin na hanggang bulong nalang sa hangin.

Nag seselos ako sa bawat taong nakakasalamuha mo.
Bakit ako ? Hindi pinag kaloob na makasama ka Mahal ko ?
Hanggang tanaw nalang ba sa mga larawan mo?
Gusto ko rin malasap ang tamis ng labi mo.
At marinig mula rito .
Kung gano mo minahal ang isang tulad ko.

Tanging gusto ko lang makasama ka kahit subrang saglit lang neto .
Sa oras na gumala tayo .
Pupunta tayo sa lugar kung saan ikaw lang at ako.
At susulitin ang bawat minuto neto.

Unspoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon