saglit

32 1 0
                                    

Saglit

By: Mimi

Lahat ng bagay may kataposan .
Katulad satin tuloyan na ng natuldokan.
Boses mong nakasanayan,
Unti unti ko ng kakalimutan.
Bisig mong laging sandalan ,
Tuloyan ko nang papakawalan.

Hihinga ng mamalim ,
At tuloyan ng damhin .
Ang sakit mula sa pusong' nasugat ng malalim.
Iiyak man ako sa dilim,
Asahan mong mawawala din.

Pahihingahin ang mga mata ,
kakaluha buhat nong mawala ka.
Larawan mo aking buburahin na.
Sapagkat ito ang tama.
Ngunit bago ka tuloyang mawala.
Huling sasabihin ko sinta.

Salamat sa saglit
Salamat sa sakit

Saglit na nakilala at minahal ka.
Sakit na dulot nong nakipag hiwalay ka.

Hindi ako nagsisisi nakilala kita,
Dahil isa ka sa nag bigay ng saya.
Saya sa buhay kong nabalot ng lungkot ,
Lungkot na akala ko di na mawawala .
Pero dumating ka ,
At nag bigay kulay saking buhay sinta.

Natapos man ang lahat sating dalawa.
Isang napakasayang ala-ala ,
Ala - alang nag bigay leksyon upang mas kayanin ang bawat palaro ni tadhana.
Kaya tandaan mo sinta.
Salamat sa saglit na saya .
Kahit yung dulo masakit pa.

Unspoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon