Pag .... Asa ?

24 1 0
                                    

Pag .... Asa ?

By: Mimi

Mabilis ang takbo ng sasakyan.
At ilang minuto nalang,
Aking masisilayan .
Masisilayan ang taong mamahalin ko kailan man.

Habang bilang ang paa ng orasan,
Kabog ng dibdib ko nag uunahan.
Hindi ko alam kung aatras paba o tutuloy na.
Baka umurong ang dila ,
Pag nagkita .

Ilang hakbang ang ginawa ,
Isa , dalawa , tatlo.
Kaya ko ba to ?
Baka pag nag kita tayo ' iwasan muna ko.
Madaming pumapasok sa utak ko,
Baka madaming mag bago pagkatapos neto.

Apat, Lima , anim .
Hampas ng hangin.
Malamig , kasing lamig ng yung mga tingin.
Teka bakas sa yung mga mata ang asa ,
Umasa kaba na maganda ako sayong inaakala?
Nawala bigla ang kislap ng yung mga mata.
Nailang ako bigla.

Baka naman ako tong umasa ,
Umasa na di ka titingin sa pesikal na mukha.
Kundi sa loob kung anong nadarama nating dalawa.
Akoy biglang napa luha.
Ito na nga ba ?
Ang inaakala ko,
Kahit ano matatanggap mo.
Pero Mali ako.

Dahil pag katapos ng pag kikita,
May mensahe akong nakita.
Mula sa telepono ko , at pangalan mo ito.

" Hindi tayo bagay , ayuko sa ugali mo "

Ako pa talga may kasalanan dito?
Sinabe ko naman una palang,
Baka pag nakita tayo.
Maraming mag babago.
Pero mas okay nato.
Kesa naman habang buhay akong umaasa,
Na kahit ano pa ako' matatanggap mo.

Mga mamatamis na salita mula sayo.
Nadala man ako.
Pangako pag naka move on ako,
Supalpalin ko pag mumukha mo gago!


Unspoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon