I miss you

29 1 0
                                    


Miss na Kita

By:

Hapon na naman ,
Oras na naman upang abangan .
Abangan ang pangalan mo kung online.
Nakatitig ang mga mata sa harap ,
Harap ng aking telepono para masilayan ang mukha mo.

Hindi ko alam kong anong gayuma ba napainom mo sa isang tulad ko.
Bakit di ko kayang pigilan ang sarili ko.
Bakit di ko magawang iwasan mag send ng mensahe sayo.
Bakit kahit seen mo lang naman to '
Di ako sumusuko sayo.

Siguro nababaliw nako.
Baliwng baliw na'ko sa nararamdaman ko sayo.
Kahit nag mumukha ng tanga kaka-antay ng reply mo , sige parin ako.
Tangina naman oh'
kailan ba ko matataohan na wala ng pag-asa to.
Pag-asang maging okay ulit tayo.

Yung dating ikaw at ako.
nangako ' di magkakalayo.
Pero nauwe rin sa wala at napako.
Ito na naman ako ,
Inaabangan ang pangalan mo.
Hiniling ko na sana kahit papano replyan mo mga mensahe ko sayo.

Sinubokang e dial ang numero mo.
Pero out of coverage ito.
Nag palit kana ba ng Number mo?
O sadyang pinalitan mo para di kana matawagan at mainis sa kakulitan ko.
Nasasaktan nako.
Pero ito parin ako ,
Umaasa na sana pansinin mo ulit ako.

Ngayon nakikita kong online ka ,
Agad akong nag type ng sasabihin ko.

" I miss you "

Pero napako ang tingin ko sa tinype ko.
At napaisip .

" Mag rereply ka kaya pag sinend ko to?"

Biglang napayuko' at tumulo ang luha ko.
Dahil aking napagtanto.
Malabong rereplyan mo'ko.
Dahil  malamang seen mo lang din ito.
Gaya nang mga nakaraang mensahe ko sayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unspoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon