Chapter 11

8K 112 0
                                    

The Twins Own Her- 11

•angelιc'ѕ pov•

Isang linggo na.

Isang linggo nang hindi ko nakikita ang kambal. Mabuti na iyon.

Sa tuwing nasisilayan ko kasi sila sa hallway ay lumilihis ako ng daan. Ayokong makita nila ako. Baka kung ano na naman ang gawin mila sa akin. Baka ikulong na naman nila ako sa dorm nila.

Nandito ako ngayon sa isa sa mga benches ng school. Nakaupo habang kumakain ng lunch. Sa tapat ko ay isang soccer field. May mangilan ngilang player don na naglalaro.

Dito ko naisipang kumain dahil tahimik dito at maaliwalas ang simoy ng hangin. Di tulad sa cafeteria na maraming estudyante.

"Angelic!" Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko. My best friend Jonalyn. She sat beside me.

"Andito kana pala. Antagal kasi ng meeting sa AVR e" nilapag niya ang gamit sabay baling sa akin.

"Ooy sis. Antahimik mo ata. Napapansin ko lagi kang nakatulala o kaya wala sa sarili"

Tumingin ako sa kanya sabay baling ulit ng aking tingin sa mga soccer player na naglalaro.

"Wala naman." Tipid kong wika dito.

"Aysus mukhang sobrang deep ng iniisip mo. Lovelife yan te?"

"Hindi. Okay lang naman kami ni Blake"

Oo nga pala si Blake. Nong nakaraan ay alalang alala siya sa kalagayan ko. Di niya kasi ako macontact non dahil nga kinuha ng kambal ang phone ko.

Nagdahilan na lang ako dito na nasira ang phone ko. Ginamit ko pa ang phone ni Jonalyn para maipaalam sa kanya yon.

Hindi ko alam. Sa mga nakaraang araw din ay parang may kulang sa akin.

"Sis. Papalapit si Hunsel Zendrick Buenavista" agad na kumabog ng mabilis ang dibdib ko ng marinig ko ang pangalang binanggit ni Jonalyn.

No..

Bakit siya papalapit?

"Hey. How are you girls?" Lalakeng lalake ang tinig nito sa aking pandinig.  Napapikit ako dahil naaamoy ko din ang pabango niyang kumapit ata sa katawan ko ng may mangyari sa amin.

"Okay lang kami ni Angelic" si jonalyn na ang sumagot sa tanong nito dahil hindi pa rin ako makatingin sa kanya.

"Oh i see."

Akala ko'y aalis na ito pero lumapit siya sa akin at pinagpantay ang mga mukha namin. Gulat na gulat ako sa naging aksyon niya.

Pinakatitigan ko ang misteryoso niyang kulay brown na mata. Brown na brown ito. At sa mukha niyang perpektong perpekto.

Nong nasa condo ako nila ay hindi ko magawang titigan ang mukha nila ni Luwrick.

"Anyway may dumi ka sa gilid ng labi mo Angelic" inangat niya ang kanang kamay niya at dahang dahang inilapat ang isang daliri niya upang punasan ang dumi ko sa mukha.

Hindi ako makagalaw.

Parang nakuryente ang buong katawan ko ng lumapat ang mga iyon sa gilig ng labi ko.

He smirked after that.

Umalis siya ng nakalagay ang kanang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya.

Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko.

What the !? Bakit nangyayari sa akin to.

ᴠᴏᴛᴇs ᴀɴᴅ ᴄᴏᴍᴍᴇɴᴛs ᴀʀᴇ ᴀᴘᴘʀᴇᴄɪᴀᴛᴇᴅ :>

@soontobelady
KyutNaAuthor ᴋᴇᴋᴇᴋᴇ 😂

The Twin Own HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon