Chapter 17

4.9K 76 1
                                    


Third Person's POV

Madilim.

Pagmulat ng mata ni Angelic ay kadiliman ang kanyang nakikita.

Iginalaw niya ang kanyang kamay pero nakatali iyon. Nakaupo siya at nakatali ang kamay niya sa upuan.

Agad siyang sumigaw at humingi ng tulong. "TULONG! TULUNGAN NIYO KO DITO!"

Nagecho ang boses niya sa loob ng kwarto na kanyang kinaroroonan.

Pilit niyang inaalis ang kamay sa pagkakatali ngunit mahigpit iyon. Nananakit na din ang pulsuhan niya sa kakapiglas doon.

Nakapiring ang mga mata niya kaya't hindi niya  alam kung nasaan siyang lugar.

Napatigil ang pagsigaw niya ng marinig niya ang pagbukas ng pintuan.

Naririnig niya ang mga yabag na nagmamay ari 'non. Patungo sa kanya.

"Wag kanang magpumilit na makawala."

Ang boses na iyon.

Si Kaislr. Ang lalakeng nagpakilala sa kanya kanina.

Bigla ay kumabog ng mabilis ang dibdib niya. Nanginginig na din ang kamay niya habang nakakuyom iyon.

"Wag kang magalala masasarapan ka sa gagawin ko."

Nangangatal ang boses niyang nagsalita. "Parang awa mo na. Wag mo kong sasaktan."

Hindi na napigilan ni Angelic ang pagdausdos ng kanyang  luha.

Bigla ay may tumunog.

"Ha? What!? Oh sige pupunta na ako diyan. Okay okay."

Narinig niya ang binatang may katawagan.

"I have to go. Buti may tumawag. Dahil kung hindi ay baka kung ano ng nangyari sayo. Tsk"

Narinig niya ang yabag nito papalayo sa kinaroroonan niya.

Napabuntong hininga si Angelic. Kung hindi dahil sa tawag non ay may mangyayaring masama sa kanya.

Masama.

Nag-atubiling tanggalin niya ang pagkakatali ng kanyang kamay.

Sobrang higpit ng pagkakatali. Isama mo pa ang mga mata niyang nakapiring.

Pinagpapawisan na siya at hingal na hingal sa ginagawa.

Kailangan kong makaalis dito.

~•~

Nakapamulsang naglalakad ang binata sa hallway ng EXODUS HQ. 

Nakasalubong niya si Kaislr na nagmamadali sa paglalakad.

"What's wrong? nagmamadali ka?" Tanong niya rito.

"Oh hey Hunsel. May gagawin ako e. Anyway brad may kailangan kang ipunish. Sumuway e. Di sumunod sa rules. Nagcutting. " sunod sunod na saad ni Kaislr sa kanya.

Tinanguan  niya ito at tinananong kung saan ang  kwarto ng kinaroroonan ng estudyanteng pasayaw.

The Twin Own HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon