Chapter 13

7.3K 113 0
                                    

The Twins Own Her- 13

Third Person's POV

Hila hila pa rin ng binata ang dalaga sa pulsuhan nito. Pilit na inaalis ni Angelic ang kamay nito ngunit masyado itong mahigpit na nakakapit sa kanya. Feeling niya ay namumula na ang pulsuhan niya.

Nagpatianod na lamang siya sa binata dahil hindi na kaya nang lakad niyang kumawala sa pagkakahawak nito.

Si-nuwipe ng binata ang card sa gilid ng pinto para mabuksan ang silid na nasa tapat nila.

Tumunog ito.

Pumasok silang dalawa sa kwartong iyon. Binitawan na ni Hunsel ang pulsuhan ng dalaga.

Napa buntong hininga ang binata sabay baling kay Angelic na sa ngayo'y hinihimas ang pulsuhan. Namumula iyon pero hindi pinansin ng binata.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Mariing wika nito habang nakatutok ang paningin sa dalaga.

Nag angat ito ng tingin sa kanya "Hindi ko naman alam na aabutin ako ng ala syete"

"Tsk. Mapapahamak ka kung iba ang nakakita sayo." Saad nito sabay lakad patungong kusina.

Tiningnan lamang ni Angelic ang papalayong bulto ng binata.

Siguro nga kung hindi siya ang nakakita sa akin ay lagot ako.

Pinalibot ng dalaga ang paningin sa buong kwarto.

Ibang iba ito sa kwarto na pinagdalhan sa kanya ng kambal.

Malinis din ito at maayos ang mga gamit.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa sabay baling ng paningin sa picture frame na nakalagay sa tabi ng lampshade.

Tinitigan niya iyon ng mariin.

Apat ang nandoon sa larawan. Masayang nakangiti habang magkaka-akbay.

Sa kanang dulo ay si Luwrick Zandrie Buenvaista. Kahit na medyo bata pa ay nalaman niya agad kung sino ito. Nasa edad kinse palang base sa itsura. Binatilyo pa.  Katabi nito ay isang babaeng maikli ang buhok. Sa pagkakangiti palang ay waring puno ito ng kasiyahan. Nabigla si Angelic dahil Kamukha niya ang babaeng ito. Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya pero ng kumurap  ulit siya'y hindi siya nagkakamali. Kamukha niya nga ito.

Binaling na lamang niya ang paningin sa katabi nitong isa pang babae. Sa tingin niya ay nasa edad 17 na ito dito. 

Masaya itong nakangiti. Maputi ang dalaga. Maganda din at matangkad.

At ang nagiisang katabi nito ay si Hunsel Zendrick Buenavista. Masaya din ito sa larawan.

Ngayon niya lamang nakita itong ngumiti at sa larawan pa.

Katulad ni Luwrick ay binatilyong binatilyo ang mukha nito. Napaka gwapo. Oo aaminin niyang sa kanilang dalawa ni Luwrick ay si Hunsel ang pinaka gwapo.

"Ehem"

Nagulat siya sa narinig kaya bumaling siya dito. Si Hunsel ay nakatayo habang may hawak na tray.

"Kumain kana ng dinner." Nilapag nito sa mesa ang tray.

"Hindi pa ba ako uuwi sa dorm ko?" Tanong ni Angelic.

Nagkunot ang noo ng binata. "Hindi na pwedeng lumabas."

Napatango na lamang siya.

Umupo ulit siya sa sofa at tiningnan ang pagkaing nakahain sa harap niya.

Rice, Apple Juice at Pork steak. Natakam agad siya sa ulam. Paborito niya kasi ito.

"Titingnan mo na lang ba?" Tanong ng binata sa kanya.

Napapansin niyang lagi na itong nag tatagalog di tulad dati na puro english.

Kinuha niya ang kutsara't tinidor. Tinikman niya agad ang pork steak.

"Ahmm" napapikit pa siya sa bawat kagat.

Sobrang sarap. Grabe marunong palang magluto ang isang Hunsel Zendrick Buenavista.

Naubos niya ang lahat ng nakahain. Hindi niya pinansin si Hunsel na nakaupo lamang sa harapan niya habang nakain siya. Nakatitig ito sa kanya habang walang sawa niyang inubos lahat.

~•~

VOTES AND COMMENTS ARE APPRECIATED :>

KEKEKEBYE~

The Twin Own HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon