Chapter 12

7.6K 104 0
                                    

The Twins Own Her- 12

•angelιc'ѕ pov•

Sunday ngayon. Tuwing gantong araw ay ang free day namin. Pwede kaming lumabas sa school at maggala basta wag lang lalampas ng 6:00 pm. Dapat exact that time ay nasa kanya kanya kanang dorm dahil kung hindi pa ay mapaparusahan ka.

Naka yellow dress ako na fitted sa katawan ko. Mabuti na lang ay may maipagmamalaki ako. Malaki ang dibdib ko na bumagay sa balingkinitan kong katawan. Mahahaba ang legs ko na sabi ng iba'y asset ko.

Aalis ako ngayon dahil may usapan kami ni Blake.

Magdadate kami.

Napangiti ako ng may pumasok na kotse sa nakabukas na malaking gate. Yon ang gate na entrance at exit ng school na Willston University.

Itim na kotse ang pumarada sa harapan ko.

Alam na alam kong si Blake na ito.

Pinipilit kong ngumiti para wala siyang maramdaman na kakaiba sa akin.

Lumabas ang matangkad na lalake sa kotse.

Bagay na bagay dito ang polong color skyblue. Naka tupi iyon hanggang siko niya. Bagong gupit din ito na lalong nagpagwapo sa kulay bughaw nitong mga mata.

Ngumiti ito sa akin sabay halik sa pisngi ko.

"Hi mahal. Sorry medyo late ako" paghingi ng paumanhin nito.

"Okay lang. Sakto lang naman ang dating mo" ngumiti ako dito.

Iginaya niya ako papasok ng kotse.

"Kamusta naman ang buhay mo sa WU?" tanong niya habang nagmamaneho ng sasakyan.

Bigla ay pumasok sa isip ko ang kambal.

Ano ba to!? Bakit ko sila inaalala.

"Ahm maayos naman. Medyo madaming activities" binaling ko ang paningin sa dinaraanan namin.

Palayo na kami sa lupain ng paaralan.

Malalaking puno na ang nadadaanan namin. Patungo ng Lungsod.

~•~

Maayos na nangyari ang date namin ni Blake. Inihatid niya ulit ako pauwi.

Naglalakad ako sa hallway patungong dorm ko ng may maramdaman akong sumusunod sa akin.

Naririnig ko ang bawat paghakbang nito at paghinga. Maski ang amoy nitong kumapit ata sa katawan ko'y naamoy ko.

Hindi ako pwedeng magkamali.

Napatigil ako sa paglalakad. Pinapakiramdaman ko siya. Tumigil din ito at tumikhim.

"Hindi mo ba alam na ala syete na." Madiing wika nito.

Inangat ko ang kanang braso ko.

Ala syete na nga.

Paktay na.

Hinarap ko ito.

Nakapajama siya ng school namin at naka tshirt lang siya na plain color red.

"Alam ko."

Hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil napaka itim non. Wari bang may ginawa akong kasalanan.

"Ganitong oras ay dapat nasa kwarto kana." May diin parin ang bawat pagsasalita nito.

Alam ko. Nilabag ko ang rules.

Lumapit siya sa akin. Nakatungo lamang ako at hinayaan siya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang pulsuhan ko sabay hila sa akin.

"Saan mo ko dadalhin?"

"Sa lugar kung saan paparusahan ka"

Nangilid ang mga luha ko ng marinig ko iyon.

Galit na galit siya nakikita ko sa mga mata niya.

Hunsel Zendrick Buenavista. Anong gagawin mo sa akin?

~•~

ᴠᴏᴛᴇs ᴀɴᴅ ᴄᴏᴍᴍᴇɴᴛs ᴀʀᴇ ᴀᴘᴘʀᴇᴄɪᴀᴛᴇᴅ :>

@soontobelady
KyutNaAuthor ᴋᴇᴋᴇᴋᴇ 😂

The Twin Own HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon