Twenty-four

7 0 0
                                    

2 weeks had past, balik sa reyalidad. Balik sa work, meeting many actors and actresses because of the interview and featuring them for our magazine. Yep, yan ang trabahong bumubuhay sa akin at nagpapaenjoy sa akin. Sino bang may ayaw na nakakakilala ng iba't ibang artista, international or local. Name it! Isang international company ang magazine line ang aking pinapasukan since then kahit nasa ibang bansa ako, na focus on lifestyle, fashion at bahay ng mga artista ang content ng magazine. Kaya kahit umuwi ako rito sa Philippines. Meron pa rin silang company.

And now I am enjoying my day with a warm bubble bath. Maya-maya pa naman ang pasok ko sa work, mga hapon pa. Dahil may ifi-feature kami na sikat na chef dito sa Pilipinas. Based on my boss and colleagues, hindi lang siya basta-bastang chef. Model din daw minsan, or nag-guguest sa mga shows or reality segments. Well, excited ako I don't know Him or what does He look like. Pero ang alam ko pangalan niya, Chef Dane Gonzales.

Nakakatamad i-search sa google kung anong itsura niya, pero pag gwapo at successful. One thing is for sure, babaero.

*beep-beep*

I heard my phone rang, so I immediately get it beside the mini table beside my bath tub and stop the music for a while.

"Good Morning Riri," aniya.

"Good Morning, Sir Travi. " sabi ko, he is my boss. The CEO of the POSH company here in the Philippines. He is a grand son of the founder.

"Rian, how many times do I have to tell you to stop calling me sir or boss?" Kalmado niyang sabi, he doesn't like to be called that way. Pero sa akin lang naman, I wonder why?

"Sorry po Travi, syempre nasanay ako. " sabi ko na lang at narinig ko naman ang saglit niyang halakhak.

"Anyways, katatapos lang ng meeting ko from a very important investor. Malapit lang yung restaurant sa condo niyo, would you like na sunduin kita at sabay na tayong pumunta ng work?" Sabi niya pa.

Agad naman akong napabaliktawas sa kahihiyan dahil nandito pa ako sa bath tub, nagbababad. Kaya agad na akong tumayo, kasi pakiramdam ko kukulitin ako nito.

"Huwag na, nakakahiya Travi. " ani ko, habang sinusuot na ang robe at dumiretso na sa closet ko para mamili na ng damit.

"Oh come on Riri, stop being silly. Yesterday you told me na coding kotse mo. Don't tell me mag-grab ka? You know I won't let that happen. " sabi niya, ito na nga ba sinasabi ko.

Kinuha ko na kaagad yung dress na napili ko at nagsimula naman na akong maghanap ng shoes na babagay dito.

"Hay nako Travi, huwag na kasi. " sabi ko, habang nagtitingin pa prin ng sapatos.

"You know I won't take No for an answer. I'll give you one hour to fix yourself, hintayin na kita sa parking lot. " sabi niya at biglang binabaan na ako ng tawag.

Napabuntong hininga ako sa stress, hay nako Travi. He's been like this ever since. Matagal na kaming mag-kakilala, nasa New Zealand pa lang ako parang siya na yung mentor ko. Kaya gumaling din ako sa any kind of field around the company kasi tinuruan niya ako maging flexible. Tapos nung umuwi ako ng Manila, sumunod na rin siya after a week. Kasi alam ko siya na maghahandle ng Manila Branch ng POSH company. Kaya somehow, swerte na rin ako na close ko ang boss ko. At mabait talaga siya, kahit kanino. Hindi lang naman sa akin...

Mahal kita Noon, ANYARE NGAYON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon