Fifteen

30 0 0
                                    


"Please Rian! Please..." Tawag ko sakanya, pero patuloy pa rin siyang lumalakad at hindi lumilingon, ramdam ko na maraming tumitingin sa amin. Pero wala na akong pakialam, mas gugustuhin ko pang makita nila kung gaano ako kabaliw sa babaeng hinahabol ko ngayon.  "Please Rian, I love you... I'm sorry! Ano ba ang kailangan kong gawin para makinig ka naman sa akin? Kahit ano, kahit magmukha akong tanga. Rian... " I keep calling her, but it's like i am talking to a deaf-mute. Ganyan naman siya, papakinggan niya lang ang mga bagay na gusto niyang pakinggan.

Nawala na lang bigla ang matagal kong pagpipigil, matagal ko ng pagpipigil simula nung nasa Tagaytay pa siya... Mas binilisan ko ang lakad ko, at yinakap siya agad. Ito lang naman ang gusto ko e. Mahirap bang ibigay yun?

It felt so right, i smelled her scent. Maybe this would be the last time? I shake my head off, to push away the negativite thoughts. But thenshe pushed me away... Tapos tinignan niya ang mata ko, all i can see in her eyes was hurt. How i wish i could take it away easily. But i can't. Lalo na't ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan...

Pero mas pinili niyang ilihis ang tingin niya. Nakita ko ang luhang namumuo sa mata niya at naghahamon na bumagsak. But she blinked it away.

"Wala akong paki kung magmukha kang tanga! " Sigaw niya.

I know, she didn't mean that. She said she likes me.

"What should i do? Sabihin mo. Gagawin ko lahat. " sabi ko, i'm sorry Rian. Please take me back.

I want to touch her face, and kiss those trembling lips. But i know she wouldn't like it.

And before i knew it...


"Let me go. And let me walk away. " Sabi niya.

Ang hirap paniwalaan na talagang sinabi niya yun. Hindi sana ako maniniwala, iniisip ko na baka jinojoke time niya lang ako.

Hindi ko pa naabsorb ang mga sinabi niya, the heck. Hindi ko nga alam kung papasok pa sa isip ko ang sinabi niya.

Pero nalaman ko na nag-sasabi nga siya ng totoo, nang naglakad na siya papunta sa Departure Area at binigay niya agad ang ticket niya.

"Rian!" Sigaw ko, at doon ako natauhan. Kaya tinakbo ko ang konting pagitan namin. Pero...

"Sir, hanggang dito na lang po kayo. " Pero pinigilan na ako ng guard. Hindi ko siya pinansin. Kahit bawal, nagpumilit pa rin akong makapasok.

"Rian... Rian!" Sigaw ko pero hindi pa rin siya lumilingon at may dalawa pang security guard ang dumating at pinigilan akong makapasok. Ginawa ko ang makakaya ko para makawala sakanila, pero hindi ko na kaya. Dahil simula pa lang ng tinalikuran niya ako, nanghina na ako.

"Rian! Please..." Napapaos kong sabi.

Pero hindi pa rin siya lumingon at nagpatuloy lumakad pa alis...

Hanggang sa hindi ko na nakita ang imahe niyang nakatalikod, habang walang humpay sumasabay ang bawat galaw ng buhok niya... Tuluyan niya na nga akong iniwan.

"Sir, kailangan niyo na pong lumabas. Kanina pa po kayo nakakagulo sa ibang pasahero. " Sabi sa akin ng kakarating na Head Security Guard ng airport na may hawak pang walkie-talkie at kung anong pinagsasabi, tapos bigla nila akong hinihila palabas. Pero pilit akong kumakawala sa kamay nila.

"PUTANGINA! YAN LANG ANG KAYA NIYONG SABIHIN?! INIWAN NA NGA NIYA AKO, TAPOS YAN LANG ANG KAYA NIYONG SABIHIN?!" Wala sa sarili kong sigaw. Pero para rin palang si Rian itong mga ito. Parang walang naririnig, patuloy pa rin nila akong hinihila palabas.

Agad akong pumiglas makawala sakanila.

"Oo na! AALIS NA AKO. HINDI NIYO NA KAILANGAN PANG KALADKARIN AKO. PAKASAYA KAYO!" Sigaw ko sakanila, at agad umalis sa harap nila. Umalis palabas ng airport.

Mga bwiset!!!

Sumakay ako ng kotse, at pinaandar agad kahit hindi pa ako nakaseat belt o nakaayos. Hindi na siguro kailangan, dahil pakiramdam ko hindi na ako magiging ayos pa...

Agad kong pinark sa tapat ng bahay, hindi ko na pinasok at dumiretso agad sa bahay.

" Anak?" Bungad ni Mommy, nung pumasok ako sa bahay. Pero hindi ko siya pinansin at agad dumiretso sa kwarto ko.

At pagkapasok ko pa lang, naibato ko na ang cellphone ko sa pader at tinignan ko kung paano ito nagpiraso. Hanggang sa tinulak ko lahat ng gamit ko sa study table ko at nagsimulang magsisigaw, lahat ng figurines at trophy na pinalanunan ko sa mga sports ko pinagbabato ko. Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko, basta ang alam ko... Masakit, para akong pinapatay sa sakit.

Dadamputin ko na sana ang picture frame at ibabato sa pader. Pero napatingin ako rito.

At biglang napaupo sa lapag at tulalang tinitignan ito. Napasabunot ako sa litrato, ito yung araw kung saan nag Relief Giving kami e.

"Anak?" Rinig kong tawag sa akin ni Mommy pero hindi ko siya nilingon. Naramdaman ko na lang ang yakap niya at ang mahinang pagsinghot niya.

"Anak? Bakit ka nagkakaganyan?" Nagaalalang tanong ni Mommy.

"Mommy, u-umalis na siya. " sabi ko at hindi ko nakilala ang sariling kong boses.

Naramdaman kong hinaplos niya ang mukha at parang may pinahid doon.

" nak, wag ka ng umiyak. " nahihirapang pagtahan sa akin ni Mommy.

Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Hindi rin ngpahuli ang luha ni Mommy.

"Mmy, bakit ganun? Bakit bigla na lang siya umalis?" Hindi ko alam kung kay Mommy ko tinatanong yun o sa sarili ko?

"Anak hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari, pero nararamdaman kita. " at hinaplos niya pa ulit ang mukha ko at parang pinahid ang luha ko. Bwisit!

"H-indi kasi Mmy, bakit ganun na lang? Kung s-ino pa ang sobrang mahal mo, doon ka pa mas n-nasasaktan?" Mapaos-paos kong tanong. Hindi na lang nagsalita si Mommy at nakinig na lang sa reklamo ko. "Bakit siya umalis agad? Sabi niya gusto niya ako Mmy. " tinignan ko siya at nag-mamakaawang nanghihingi ng sagot. Pero alam kong wala namang sagot sa mga tanong ko.

"Anak, baka hindi lang talaga ito ang tamang oras. " nahihirapan niyang sabi. Naririnig ko rin ang maliit niyang impit na hikbi. Pero pinili kong wag muna pansinin iyon. "Masyado pa kayong bat-."

"Hindi Mommy, siguro may mali lang talaga sa akin. " naiinis kong sabi at parang gusto ko pang suntukin ang mismong sarili ko.

"Anak, wag ka namang magisip ng ganyan. Paano ka niya mamahalin ng totoo, kung ang sarili mo hindi mo kayang mahalin?" Natahimik ako...

"Mmy, diba sabi niyo... M-aging tunay at tapat lang ako para mahalin ako ng taong mahal ko. Pero b-akit ganun? Parang hindi naman," naiinis kong sabi at hinaplos naman ni Mommy ang likod ko. Ramdam ko, ginagawa niya ang lahat mapatahan lang ako.

"Tama na anak. Ako ang nahihirapan e." Pag-alo sa akin ni Mommy, at muling yinakap niya ako.

"Pero Mmy..." Sabi ko pero pinutol niya lang ako.

"Anak, baka hindi lang talaga ito ang tamang oras, masyado ka pang bata para sa ganitong klaseng bagay. O siguro, hindi lang talaga kayo para sa isa't isa..."

Mahal kita Noon, ANYARE NGAYON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon