I. Welcome to Señor High!

234 5 0
                                    

I. Unang Sulyap sa mga new Señor Students

"Pasukan na naman, paano ba yan? Handa na ba ako? Kaya ko 'to!"  pagkukundisyon ni Raphael Bernard "Raph" de la Cruz, the mysterious new boy, sa sarili habang pumapasok sa bago niyang paaralang pinasukan.

"Parang kailan lamang ay freshman pa lang ako. Hindi ko napaghandaan na ito na pala ang huling taon ko dito." maluha-luhang pahayag ni Kirsten Janella Sandoval a.k.a Janel, the almost perfect girl, sa sarili habang papasok ng gate ng school nila.

"Kay rami nang nagbago sa buhay ko mula noong freshman pa lamang ako hanggang ngayong huling taon ko na dito. Sana'y makayanan ko ang mga paparating pang pagsubok sa buhay kong ito." pagpapahayag ni Michaela Jewel Yap a.k.a Micha, the ex-Princess, sa sarili.

"Hoy kayong nakaharang sa gate at sa daan ko! Dadaan ako at ang kotse ko! Hindi niyo ba kilala kung sino ang hindi niyo pinaparaan sa harap niyo? Ako lang naman si Butler, Bradford Benjiro. Ang pinakamayan at pinakamatalinong estudyante dito sa institusyong ito!" pahambog na pagpapaalis ni Redmond Bradford "Red" Butler , the bad King, sa mga estudyateng nakaharang sa dinaraanan niya. 

- - - - - - - - - Physics Time - - - - - - - - - 

"Good morning class! I am Ms. Barbara Estrella your Physics instructor. Okay, since it's the first day of class, please get a sheet of paper and we'll have our quiz... Oh surpriced? Don't worry it's very easy." pagbati ng guro sa mga mag-aaral.

"Ano ba yan? First day of class tapos quiz agad? OMG I'm so Grrrrr! Hindi ba pweding magpakilala muna tayo sa isa't isa?" bulong ng estudyanteng bestfriend ni Janel na si Rose kanya.

"Narinig kita Ms. Rose. Kung may reklamo ka, pwedi namang hindi ka magtake sa class ko, hindi naman kita pipilitin. Bumalik ka nalang next year at ulitin mo ang Señor High mo." pabiglang pahayag ni Teacher Estrella kay Rose.

- - - - - - - - -Meet the "Mysterious new boy" - - - - - - - - - -

Sa unang araw ni Raphael sa bago niyang paaralan, ramdam na niyang walang nais na makipagkaibigan sa kanya o ipasok siya sa grupo ng mga magkakaibigan dahil marahil kilala na ng mga Señors ang isa't isa at may mga lugar na silang kanilang dapat lugaran. Isa pang dahilan kung bakit hindi siya kinakaibigan ay dahil siya ay masyadong mahiyain at kakaiba ang pagkikilos niya.

Matalino si Raphael ngunit tahimik lamang ito. Simula nang lumipat siya sa bago nyang paaralan ay siya na palagi ang nangunguna sa klase ngunit hindi siya gaanong pinapansin ng kanyang mga kaklase kaya hindi siya kilala gaya ng palaging nangunguna na si Redmond Bradford "Red" Butler. Lumipas ang ilang linggo at halos wala pa ring kaibigan si Raph sa Señor HIgh.

“Wow, impressive! It's a record breaking. Ngayon pa lamang nagkaroon ng perpektong marka ang aking quiz!”, pagpupugay ni Teacher Estrella sa boung klase.

“I'm sure hindi ako yun, wala na naman kasi akong isinagot sa quiz. Ang hirap kaya!. Sino po ba?” tanong ng ni Rose,

“Eh sino pa nga ba, siguradong si Red yan! Katropa ko yata yan!” pahambog ng isang estudyanteng si Greg sa klase.

“It's Mr. Raphael Bernard de la Cruz who got it.” sagot ng guro sa tanong ng mga estudyante.

“Sino? Raphael? Who is he?” tanong ni Rose sa klase 

“Baka ibang section yan Ma'am!”  paghihinala ni Greg.

“Seryuso kayo class? Kaklase nyo nga siya... Oh Nandito na pala siya eh. Oh! Kung hindi nyo pa siya kilala... ito si Mr. Raphael Bernard de la Cruz, ang record breaker ng asignaturang ito... Oh! Palakpakan naman natin siya class.”. pagpupugay ni Teacher Estrella kay Raphael.

My True LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon