III. The Situation of the Bad King

49 1 0
                                    

- - - - - Back to the present. - - - -

Natapos na si Joan sa pagkwekwento kay Bartholomeo sa kanyang nakaraan na rason ng kanyang pagluha.

“Pasensya na ha? Hindi ko lang talaga mapigilan... Ang drama ko ano?” pagdradrama ni Joan.

“Oh, ano na, klase na pala natin, tara na pasok na tayo” anyaya ni Joan kay Bartholomeo.

 - - - - - The "Mysterious shy boy" and the "Pretty girl" magkasama?. - - - -

Habang naglalakad ang dalawa nakita sila ni Ben at ng kanyang katropa.

“Oh! Ibang klase yang Bartholomeo na yan ah...hindi na nakontento sa pangangagaw ng pwesto mo, pati ba naman si Joan oh, aagawin sayo! 'Lang hiya!” pahayag ni Greg kay Ben.

“Resbakan na naman natin...” ideya ni Lanz sa boung tropa.

“Oh... kailan?” tanong ni Nick.

“Mas lalayo si Joan sa akin kung gagawin natin uli yan sa pangit na yan. Hindi naman siguro papatol si Joan sa tulad niya.” pahayag ni Ben sa tropa.

 - - - - - - Si "bully boy" Ben ng papauwi na siya - - - - - - -

Papauwi na si Ben sa bahay nila sakay ng sarili niyang sasakyan na siya mismo ang nagmamaneho.

“Oo, nasa akin na nga ang lahat ng ninanais ng lahat. Lahat ng luho natamasa ko na. Lahat ng parangal, natangaap ko na. Walang kahirap-hirap napapasakamay ko ang lahat ng gusto ko. Pero bakit ganito? Parang may kulang parin.” pahayag ni Ben sa sarili.

Habang papasok ang kotse ni Ben, naalala niya ang nangyari noong nakaraan buwan pa lamang. Papasok narin ang kotse niya noon at papalabas naman ang kotse ng kanyang ama na si Mr. Bryan. Nakita niya ang ina niyang umiiyak.

“Ma, anong nangyari?” tanong ni Ben sa ina.

“Your Dad is leaving us for another woman!!” sagot ni Mrs. Sonia sa anak.

“Ma naman, alam naman nating di magagawa ni Dad yan.” pahayag ni Ben.

“Bakit ba hindi nalang mamatay ang lahat ng mga mistress sa mundo! Alam na nilang may asawa, kinakalabit pa rin nila!” galit na pahayag ni Mrs. Sonia tungkol sa mga kirida.

“Taha na po Ma... Tatawagan ko po si Daddy...”  pagpapahinahon ni Ben sa ina.

“No!... Anong gusto mong mangyari Ben? Magmukha tayong kawawa? No!... We won't ask for sympathy! Don't be so pathetic.” nagtataray na pahayag ni Mrs. Sonia habang inaagaw ang cellphone ni Ben.

“Ma, hand it over please...” makaawa ni Ben.

“From now on Ben, hindi ka na makikipagcommunicate sa Dad mo, or else kalimutan mo na lang na may ina ka pa.” galit ni Mrs. Sonia sabay tapon ng cellphone ni Ben.

“Tandaan mo Ben, ako ang may pera at hindi ang Dad mo! Ako ang nagbigay sa'yo ng kotse at ng lahat ng luho mo, hindi ang Dad mo!!...” pananakot ni Mrs. Sonia kay Ben.

“Ama ko siya ma at....” naputol na pahayag ni Ben dahil sa pag-arte ni Mrs. Sonia.

“Aray... Ben... Naninikip na naman ang dibdib ko!...” pag-arte ni Mrs. Sonia.

“Ma?!! Yaya, tawagan niyo po ang Doctor ni Mommy... Bilisan niyo po!... Ma?” takot ni Ben dahil sa ina.

 - - - - - - - -The Doctor is IN - - - - - - -

Binayaran ni Mrs. Sonia ang doktor niya upang mangamba si Ben sa kanyang kalagayan.

“Ok na po ba siya, dok?” pagtatanong ni Ben sa doktor.

“She needs more rest, bawal mastress ang mommy mo... For your mom's health to be better, don't make her stressed. Iwasan niyo ang mga bagay na nakakapagstress sa kanya. She'll be better in few weeks, but still huwag niyo siyang guluhin sa mga bagay na ayaw niya.” gawa-gawang sagot ng doktor na binayaran ni Mrs. Sonia.

- - - - - - - Back to the present - - - - - - - -

Simula noon ay hindi kinausap pa at ikinumpronta ni Ben ang ama sa takot na magdulot ito ng masama sa kalusugan ng ina. Matapos ang pag-iisip niya sa mga pangyayari.

“Oh, my son, nandito ka na pala... So how's school?” pagbati ni Mrs. Sonia kay Ben.

“Ok naman po Mommy...” maikling sagot ni Ben.

“Oh I think you're just tired my son... Okay... Just get some rest.” pahayag ng ina.

“I'm expecting na hindi mo sinusuway ang mga bagay na labag sa kalooban ko.” pangamba ni Mrs. Sonia.

“If you're talking about Dad, I haven't had any conversation with him since the day he left. And about Joan, don't worry, she already moved on. Happy now?”  sagot ni Ben sa ina.

My True LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon