VII. THE BIG LIE: Ang Pagkakaalam ni Joan

41 1 0
                                    

“Ben, salamat sa mga bulaklak at love letters na ibinigay mo. I really admired your way of showing me your love.” pahayag ni Joan na may halik kay Ben.

“I'm in love with you Ben.” padagdag na pahayag ni Joan.

“I love you too Joan. I love you too.” sagot ni Ben kay Joan.

Noon pa man ay may pagtingin na din si Ben kay Joan, nahihiya lang siyang aminin ito dahil akala niyang di siya nito papansinin kaya'y inilaan niya nalang ang pag-ibig niya kay Micha.

Ngunit ng hinalikan siya ni Joan ay nabatid niyang mahal niya si Joan.

Walang alam si Ben sa mga pinagsasabing mga bagay ni Joan tungkol sa pag-ibig niya, ang mahalaga'y mahal na siya ng dalaga na ninanais din niya.

 Ng malaman ito ni Bartholomeo ay nagwala ito at halos di matanggap ang kasawian sa pag-ibig.

Nais na niyang lapitan at sabihin kay Joan na siya ang lalaking nag-alay sa kanya ng mga bagay na minahal ng dalaga.

 Nagplano si Bartholomeo na magpakilala sa dalaga ngunit siya'y nauunahan ng takot at kaba na baka hindi siya matanggap ng dalaga.

Plinano niya ang lahat bago magpakilala kay Joan.

Makalipas ang ilang buwan ay pasukan na at fourth year na si Joan, pumasok si Bartholomeo ilang buwan matapos ang pasukan.

My True LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon