VIII. Sa Kasalukuyan

29 0 0
                                    

- - - - - Back to the PRESENT - - - -

Sa kasalukuyan, nagkabalikan na nga sila Joan at Ben, ngunit may sekreto pang hindi alam si Joan tungkol sa katauhan ni Lover B.

Masaya ang lahat sa pag-iibigan ng dalawa.

Natanggap na ng ina ni Ben ang relasyon ng anak kay Joan at di na ito nagbantang ibubunyag sa lahat ang katauhan ni Joan na siya ay anak lamang sa labas, ngunit dahil narin sa pag-aakalang baka iniisip ng ina niyang ikinakahiya niya ang pagkatao niya'y sinabi niya sa lahat ang tunay niyang pagkatao.

Nagkapatawaran narin sila Joan at Micha at tinulungan ni Joan sila Micha at ang ina nito sa kanilang kalagayan.

Mag-iisang buwan na ng hindi na nagpapakita si Bartholomeo.

Magpro-promenade na noon at exited na ang lahat dahil ito na ang last nilang promenade.

 Habang papunta na si Ben sa promenade ay may nasagasaan siyang tao, ng lapitan niya ito'y nabigla siya ng bigla siya nitong hatakin at sinikmura.

Nahimatay si Ben sa pangpatulog na amoy ng panyo na itinapal ni Bartholomeo sa kanyang bibig.

- - - - - - - - - The MISSING B - - - - - - 

“Nasaan ako? Sino ka!? Gago ka pakawalan mo ako!” matapang na pahayag ni Ben sa taong may takip ang mukha.

“Isa-isa lang ang tanong Ben... Isa-isa lang, gaya ng pagmamahal mo ng babae, isa-isa lang...” pahayag ng taong may takip ang mukha.

“Pamilyar ang boses mo! Bart?!” pahayag ni Ben.

“Wag mo akong tawaging Bart! Si Joan lang ang may karapatang tawagin akong Bart!” pahayag ni Bartholomeo.

“Bartholomeo... Anong kasalanan ko sayo?” tanong ni Ben.

“Ikaw kasi... May Micha ka na, pati pa naman si Joan gusto mong iyo rin!!” pahayag ni Bartholomeo.

“Paano mo nalaman iyon?” tanong ni Ben.

“Sinungaling ka kasi! Sinungaling ka... Alam mo ng di ikaw ang tinutukoy na mangliligaw ni Joan, bakit inangkin mo?! Bakit mo inangkin ang akin!? Ako yun! Ako si Lover B! Ako ang nag-aalay ng bulaklak, ng mga love letters kay Joan!! Ako yun!! AKO! Ako ang mahal ni Joan!! Ako! Ako at hindi ikaw!!!” galit ni Bartholomeo, sabay tadyak sa mukha ni Ben.

 - - - - - - - - THE PROM - - - - - - -

Nag-enjoy lahat sila sa prom dahil nagka-ayus-ayus na ang mga gusot ng isa't isa.

Nagtaka si Joan kung bakit wala parin si Ben.

Kanina pa niya tinatawagan ang cellphone nito ngunit nakapatay ito. Nagtaka si Joan kung bakit ganun.

- - - - - - -Natapus na ang saya. . . . . . - - - - - - -

Papauwi na sila Joan at Micha galing sa prom at di pa rin ma-contact ni Joan si Ben.

Papasakay na sila ng inarkila nilang taxi upang umuwi na.

Dahil sa pagod ay nakatulog si Joan........

Nang magising siya, laking gulat niya ng makita ang isang kwarto na punono-puno ng mga larawan niya.

Biglang tumayo ang balahibo niya sa nakita. Nakatali siya sa upuan at mahirap itong matakasan.

Bigla nalang may pumasok at nagsisigaw siya. "Tulong! Tulongan niyo ako!!"

“Joan...” boses na narinig ni Joan mula sa likod niya at ng liningon niya ito, laking gulat niya ng makitang ito pala ay si Bartholomeo.

My True LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon