--- 9 ---

21 2 2
                                    


---

Early pa akong nagising at naligo. Good mood ako ngayon at excited na din para mamaya, kailangan ko pang mag-ayos dahil nga 8 ako susunduin ni Duke.

Matapos kong magligo at mag-ayos, bumaba na ako para makapaghanda ng breakfast. Dumiretso na ako sa kusina at inayos na ang mga lulutuin.

Nagluto ako ng fried rice, hot dog at sunny side-up egg. Matapos kong mag-luto ay dumiretso na ako sa taas para makapag-ayos.
Hinalungkat ko na yung mga damit ko kaso wala akong mahanap magandang susuotin. Casual? Formal?

Napagpasiyahan ko na i-text si Duke.

To: Dukekekeke

Ano yung susuotin ko? Formal ba?

Then I hit sent. After a minute ay nag-ring yung phone.

From: Dukekekeke

Yung komportable kang suotin.

Nag-type ako ng 'okay' then sent. Naghanap ako ng outift at hindi naman ako natagalan sa paghahanap. White jumper shorts na about sa tuhod, with pastel pink longsleeve crop-top sa loob. I French braid my hair at nilagyan ng ribbon sa gilid. Sa mukha naman, naglagay ako ng lip tint, kaunting blush atsaka pulbos and spray some cologne.

Habang nag-aayos ako ay may kumatok sa pintuan. Tumayo ako para pagbuksan. Pagkabukas ko ay si Mama ang nasa pinto.

"Ma," Bati ko.

"Anak, nandoon si Duke sa baba. Sabi niya may lakad daw kayo,"

"Opo,"

Nakatingin naman saakin si Mama at may ngiu sa labi niya.  "Sige, punta sa baba."

Pagkatapos non ay umalis na siya. Kinuha ko naman yung sling bag ko at inilagay sa loob yung mga kailangan. I left the room at bumaba na ako. Nakita ko naman si Duke na nakaupo sa living room namin habang nanonood ng tv.

Napatingin naman siya sa akin at tumayo para lapitan ako. Napatingin ako sakanya.

Gwapo ah! Porma talaga ang ayos. Nakaplain gray shirt lang siya, with denim pants at shades nito. Naka-ayos din yung buhok niya, nagpahair-cut.

"Good morning," He greeted then hugged me.

I hugged him back, "Good morning to you too."

Bumitaw naman siya at tinignan ako ng ulo pa baba, parang chini-check ang ayos ko. Naconscious naman ako sa pagtitig niya. Dati naman kapag may date kami ni Ten at tinitignan din niya ako parang ganon, pero kahit kailan ay hindi ako na conscious, pero bakit sa harap ni Duke? Weird.

"You're beautiful today," Sani niya at nakangiti saakin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Ngayon lang ba ako maganda?" pagtataray ko.

"No! No! I didn't mean it like that." Nataranta naman siya.

"Then ano?"

Napakamot naman siya ng ulo, "It's just that...you're so beautiful today. But you're still beautiful everyday."

Napatawa naman ako sa pagka-flustter niya. Ang cute niya kapag natataranta.

"Why are you laughing?" Seryoso naman siya napatingin saakin.

Umiling ako, "Nothing."

Pero napatawa parin ako.

"Halika na nga! Sabi mo 8 tayo aalis. Tignan mo oh, malapit ng 9." Sabi ko.

"Ikaw kase." Bulong niya.

I just rolled my eyes at pumunta sa kusina. Nakita ko naman si Mama na nag-lilinis ng pinagkainan.

Euphoria | COMPLETED✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon