--- 13 ---

10 2 0
                                    


---

O...M...G...

Ang ganda ng Mommy ni Duke! Shet! Mukhang mga 30 plus lang siya, at walang wrinkles yung face niya. Ang flawless ng dating ng Mommy ni Duke.

Nakita ko na noon ang mommy ni Duke nung naaksidente ako at bumisita sila doon. Ang ganda na noon ng mommy ni Duke kaso mas gumanda yata ngayon. Ewan ko ba kung natatandaan pa niya ako.

"Hello po, nice to meet you," bati ko naman atsaka ginawaran siya ng matamis na ngiti.

"Nice to meet you din sa iyo, hija. Nagkita na tayo noon mung na-ospital ka. Kay gandang bata." Sabi ng Mom ni Duke atsaka lumapit saakin. Nagulat naman ako ng i-beso niya ako.

"H-hindi naman po." Na-feel kong namula ang aking pisngi sa kanyang sinabi.

Hehe. Tumaas lalo ang self-esteem ko.

"So modest. Just call me Tita Margo, hija. Come, I made some food for us." Hindi na ako nakapalag dahil hinawakan naman ang braso at siko ko ni Tita Margo at dinala niya kami papunta sa dining area, habang nasa likod namin si Duke.

Halos  ngumanga ako sa ganda ng dining area nila. Wow! Feeling mo para kang nasa isang castle, ang gara ng mga gamit dito sa bahay at halatang walang cheap dito. Mas humanga ako sa chandelier na nakasabit sa gitna, ang laki naman ng chandelier.

"Wow! You have a nice dining area, tita." I blurted out. Natauhan lang ako ng tapos ko ng masabi.

"Why thank you, dear. Favorite place ko kase ang dining area eh, kung saan nagsasalo-salo lahat." Medyo napansin ko na lumungkot ng konti ang mukha niya kaya tumahimik nalang ako.

Lumapit na kami sa dining table at tinulungan naman ako ni Duke na umupo at ang mama niya. Nasa kabisera ang mama niya at nasa bandang kaliwa naman kami ni Duke.

Nagulat naman ako ng may nilapag sa table at isa-isa na itong nilapag. Sa ayos at pananamit ay halatang maid nila yung mga nagserve. Napabaling yung atensyon ko sa mga pagkain.
Ayy grabe! Ang dami naman at halatang masarap, para akong nasa European style na restaurant sa mga inihain na pagkain saamin. Halos maglaway ako sa amoy pero patience muna, nakakahiya naman sa mommy ni Duke na girlfriend ng anak niya ay glutton.

Tita Margo led the prayer after ma-serve saamin ang pagkain. She just said that she's thanking for all the blessings and she also said for having his son a beautiful girlfriend. O diba! Malakas na agad ako sa mommy ni Duke, talab ng beauty ko eh.

Busy ako sa pag-nguya ng tanongin ako bigla ni Tita Lianna.

"Hija, saan kayo nagkikilala nitong anak ko?"

Pinunasan ko muna ang gilid ng labi ko at ngumiti sakanya.

"Actually po, matagal na kaming magkakilala kaso nga po eh ang suplado nitong si Duke at nakakatakot lapitan. Ang cold-cold po kase." Napatawa naman si Tita Margo sa narinig.

"Nakuh hija, ganito na talaga 'toh." Napataw na rin ako sa sinabi niya.

"Whatever, mom."

"Kung alam niyo lang tita, si Duke talaga ang may alam kung saan kami nagkakilala..." Napatingin ako sa kanya na nakatingin sa akin na may kunot na noo.

I wiggle my brows and trying to tease him. Kita naman na namula ang tainga niya at napaiwas nang tingin.

"OMG! Ano anak? May long-time crush ka kay Jehanna?" Mas lalo namang namula si Duke sa tudyo ng ina.

"Mom, stop it. You're nosy,"

"Aba't ang batang ito! Kurutin ko yang tintin mo ha! Sino ba ang nagiihi nung grade 6 siya? Hah? Suot-suot ang kanyang jumpsuit na spongebob?" Taas kilay namang asar ni Tita.

Euphoria | COMPLETED✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon