--- 5 ---

26 2 0
                                    

---

Sa loob ng dalawang linggo ay nakalabas na din ako sa hospital. At sa loob ng dalawang linggong din iyon, mas nakilala ko pa si Duke. He keeps on visiting me and also taking care of me. Kapag uwian na sa class, he directly headed to the hospital para lang puntahan ako. Pinapakopya niya din ako ng notes at nagre-review din kami dahil malapit na ang exam.

Bad timing talaga yung pagka-aksidente ko. Dahil doon ay hindi ako nakapasok ng school for two weeks, pero dahil sa tulong ni Duke, nakapag-aral ako kahit na nasa ospital. Sinabihan ko din si mama na dalhin yung mga notebooks ko dahil magre-review pa ako, at nag-insist din si Duke na mag-review kami at syempre may notes siya ng mga bagong lessons kaya kumopya da din ako sakanya.

Yung nakabandage na paa ko ay naalis na din. Okay naman daw yung paa ko, hindi naman daw masyadong malalim yung sugat kaya okay na.

Pumunta pa dito yung mama at kaibigan niya at nabalitaan na dito pala palaging pumupunta si Duke kapag uwian na. Okay naman sa mama niya, mas natuwa pa nga kase tinulungan ako nito at hindi ako pinabayaan. Parati din nila kaming kinukulit na baka daw may mabuong tambalan, sakay din naman si mama at yung mama niya din sa kalokohan ng mga kaibigan niya.

So far, yung stay ko sa hospital ay hindi boring. Di ko man lang napansin na nadischarge na pala ako sa ospital. Kahit nung nadischarge na ako, parati pa din siyang bumibisita sa bahay at nagre-review pa din kami.

At ngayon, pwede na akong pumasok sa school. I'm sure marami akong na missed na mga quizzes and assignments na dapat kung ihabol para hindi ma-fail. Pagkatapis kung nagbihis at kumain, nagpaalam na ako kay mama na aalis ako.

Pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Duke sa labas, naka-sandal siya sa kotse niya at naghihintay. Nang mapansin niya ako, tinawag niya ako na lumapit sa kanya, lumapit naman ako.

Sa mga araw na magkasama kami, yung wall na namamagitan saamin ay nawala nalang. Komportable na akong kasama siya at masaya akong kasama siya. Wala nang hiya-hiya dahil pinapakita niya naman saakin na komportable din siyang kasama ako.

"Bat ka nandito?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako. Nang makalapit ako, hinawakan niya ang pulsuhan ko atsaka yinakap. Ang komportable kapag kayakap ko siya kaya yumakap din ako pabalik.

"Sinusundo ka." Sabi niya atsaka pinaghiwalay kami, pero yung kamay niya ay nakahawak pa din sa pulsuhan ko.

"At bakit naman yun?" Tinaasan ko siya ng kilay at tinarayan. 

"Kase po, mahal na prinsesa. Nag-aalala lang po ang mahal na hari sa inyo dahil kakalabas niyo lang po sa ospital at hindi pa magaling."

"FYI, 3 days ago na akong nadischarge at okay na ako, malakas na kaya ako at pwede na akong tumakbo, di ako bata na need ang babysitter noh. And sino namang hari ang tinutukoy mo, ha?"

"May iba pa bang pwedeng tao na mag-alala gaya ng pag-aalala ko sayo?" Halos tumalon ang puso ko. Napasinghap ako napatingin sa kanya. Nakasmile lang siya at nakatingin saakin.

Anong pinagsasabi ng mokong na ito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko sa sinabi niya? Anong ibig sabihin nito? I am not supposed to feel this way.

Mukhang nasense niya na nag-iba ang mood ko kaya lumapit siya at hinawakan ang braso ko. Dih ko pala namalayan na nakaiwas na ako ng tingin sakanya, at kanina pa niya ako tinatawag.

"Okay ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya. Nakikita ko sa mata niya na concern siya saakin.

Umiling lang ako at pinilit na ngumiti, "Okay lang ako. Ano ka ba! Halika na. Baka malate pa tayo."

Euphoria | COMPLETED✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon