1

5 1 0
                                    

Masayang naglalakad si Meighx sa hallway. Dinadama ang kasiyahan ng unang araw ng pagpasok niya bilang sophomore sa isang di masyadong kilalang high school facility sa bayan.

Tumungo siya sa bulletin board upang makita kung saang section siya mapapabilang.

Ramdam niya ang siksikan at iba't ibang aroma ng mga estudyanteng nakapalibot sa kaniya.

May ilang mayayamang mga fresh students na amoy mamahalin.

Mayroon din namang mga amoy mumurahing pabango lang.

May mga amoy de lata.

Oo, de lata.

Yung amoy na parang matagal ng nakaimbak.

May amoy sardinas.

Amoy corned beef.

Amoy meat loaf.

At amoy 555

'Ke aga aga mga di na fresh.' Bulong niya sa sarili pero dahil good mood siya, di na siya mageeskandalo.

Isa isa niyang tinrace ang pangalan niya sa bulletin board.

'Carantrete, Cruzette Meighx .............. 2-A'

Ganon na lang talaga ang pagkabuwisit niya ng mabasa ang pangalan niya.

Hindi dahil sa section na natapatan niya kundi dahil sa kanyang oh-so-flawless-surname.

'Leche talaga! Dapat talaga di na nila ipinost dito yung mga pangalan namin'

Medyo sanay na naman siya sa apelyido niya pero sumpa na niya ito kung ituring dahil lagi siyang napagtatawanan dahil sa apelyido niyang napagkaitan ata ng tadhana.

Naalala niya tuloy kung paano siya tawaging 'kapre' ng mga kaklase niya sa school niya dati.

Ewan nga lang sa mga lecheng kaklase niya kung ano ba talagang konek ng Carantrete sa Kapre.

Nagpawalang bahala na lang siya at lumakad.

Pero di pa siya nakakalayo, ay naisakatuparan na nga ang kaniyang kinatatakutan.

May isang lecheretetet na lalaking sumigaw!

"Woy pare ang astig ng pangalan o! Krusete Meyks Carantete!"

'Anong? Talaga nga naman.'

Lumapit siya sa nakatalikod na lalaking iyon at walang sabi sabing binatukan at kinurot.

Pagkakurot niya ay doon na humarap sa kaniya ang lecheteretetet na lalaki.

Kulot na buhok. Matangos na ilong. Magandang singkit na mga mata. Nakakunot na makapal na kilay at labing kagat kagat ang dila.

'Ang kyut niyang magalit pero di ko siya patatawarin sa pangookray niya sa pangalan ko.'

"Ano bang problema mo miss?!" Di pa rin nawawala ang pagkakunot ng noo niya pero kiber lang.

"Wag mo nga akong masigawsigawan ikaw lecheretetet na lalaki ka!"

"Ano bang ginawa ko sayo ha?"

"Nilait mo lang naman ang pangalan ko at sinabi iyon sa maling pagbigkas! For your information it's Carantrete not Carantete! It's Cruzette with a /z/ and not Krusete! And most of all, it's Meighx as in /Mey/ not Meyks! Siguraduhin mo munang tama ka bago ka manghusga leche!"

"Aba! Kasalanan ko bang mahirap bigkasin ang pangalan mo ha?"

"Bakit kasalanan ko rin ba? ewan ko na lang  sayo bahala ka diyan! Kulot!"

"Aba't talagang sinusubukan mo ako ha!"

Akmang susugurin na ng lalaki si Meighx. Buti na lamang at hindi iyon natuloy dahil sa pagpigil ng isa sa mga kaibigan ng lalaki.

"Pre tama na yan! Chicks yan sayang." Sabi ng isang lalaking gwapo rin naman yun nga lang ay nakakakilabot ang ngisi.

"Chicks? Sino? Siya ba? Di ko alam napatol ka pala sa pader! Hahahaha." Tugon ng leheretetet na lalaki habang dinuduro pa si Meighx.

Bahagya namang nainsecure ang dalaga at napatitig sa kanyang dibdib.

'Alam ko namang hindi siya malaki pero di naman to considered as flat no?'

Namumula ang pisnging tumingin siya sa binata at sinabi ang pinakakahiyahiyang bagay na nasabi niya sa buong buhay niya.

"WOY KULOT BAKA SABIHIN KO SA'YO CUP B KAYA TO!"

Natahimik ang buong campus dahil sa sigaw ng isang dalagang pulang pula ang mukha.

Nagsitilaok ang mga manok.

Nagsiliparan ang mga ibon.

Umunga ang baka.

At humuni ang mga kuliglig.

Hindi rin nagtagal ay nagsink in na sa lahat ang nangyari.

At sa isang iglap ay napuno ng tawanan ang buong eskuwelahan.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Iyon na yata ang pinakamahabang tawa na narinig ni Meighx sa buhay niya.

At nangingibabaw pa talaga ang boses ng lecheretetet na lalaking yun.

Napatakbo na lang siya sa inis.

'What a very unforgettable first day of school!'





Doon nagsimula ang kwento ng dalawa, tatlong taon na ang nakakalipas.

Sa mga susunod na kabanata ay susubaybayan natin ang buhay ng isang Grade 11 student na si Cruzette Meighx Carantrete, at ang kaniyang oh-so-annoying bestfriend, Vaughn Lyell Soriano.

IkawakoiyoakinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon