"CARANTRETE, Cruzette Meighx, 11-A" malakas na sabi ng isang mukhang palakang titser sa gitna ng stage. At talagang nilakasan pa ang pagkakasabi kahit nakamic na.
Hihinga na sana siya ng malalim ngunit hindi iyon natuloy ng siniko siya ng kanyang kulot na katabi.
"Woy Carantete daw o! Hahahahahaha." Pabulong na sabi ng mukhang unggoy na lalaki habang tumatawa tawa pa.
"A tatawa tawa ka pa talaga ha? E kung sabunutan kaya kita diyan?" Galit na galit na sabi ni Meighx sa katabing si Vaughn habang kurot kurot ang pisngi nito.
"W-woy tama n-na mashakit!"
Matagal na silang magkaibigan ni Vaughn pero hindi pa rin talaga nito malimutan ang pait ng una nilang engkwentro.
Napapikit na lang siya dahil sa kahiyahiyang alaala na bumalik sa utak niya.
"Ikaw Vaughn, tigil tigilan mo ako ha! Ang kapal ng mukha mo talagang Mt. Maculot ka!"
"Ah kulot pala ah!"
Gigil na gigil niyang kiniliti ang dalaga na naging dahilan ng malakas nitong pagtawa.
Dahil sa kabaliwan ng dalawa ay hindi nila napansin ang paglapit ng mukhang palakang teacher na dala dala pa ang mic.
"You two! Stop flirting or else I'll kick you both!"
Napatawa na lang silang dalawa at hindi na iyon pinansin.
Sanay na naman kase sila. Sanay na silang mapagkamalang magcouple. Okay lang naman iyon sa kanila dahil kampante naman silang hindi sila madedevelop sa isa't isa.
Iyon ang akala nilang dalawa...
LUMIPAS ang araw at nangangalahati na ang taon. Napansin ni Meighx na nagmamadaling umalis si Vaughn.
"Woy saan ka pupunta ba't ka nagmamadali?" Naguguluhang tanong nito kay Vaughn.
Kag'yat namang napatigil ang binata at napatitig sa kaniya. Maya mayay napangiti ito na para bang may isang napakagandang ideyang naisip.
"Meighx, ang ganda mo ngayong hapon."
Napapitlag si Meighx at sinabunutan si Vaughn upang itago ang kilig na nadadama.
"Meighx a-aray ko masakit bumitaw ka nga!" Naiinis na wika ng binata.
"Ikaw kase e." Nakangusong sabi ng namumula pang si Meighx.
"Ano bang problema mo? Pinuri ka na nga't lahat nananabunot ka pa." Kunot noong sabi nito.