3

6 1 0
                                    

Dumaan ang mga araw at naging mailap na si Meighx kay Vaughn. Nabalitaan niya ding opisyal ng nagdedate sina Cheena at ang binata. Hindi niya nga lang alam kung totoo nga iyon.

Sa loob ng tatlong buwang pagiiwasan, ay hindi pa rin nawawala sa kaniyang puso ang naguumigting na pagmamahal para sa kaibigan. Napakahirap para sa kaniyang umiwas ng ganoong katagal lalong lalo na dahil isang buwan siyang sinuyo ni Vaughn.

Flashback

Nagmamadaling umalis si Meighx sa room upang hindi siya maabutan ni Vaughn. Sa kalagitnaan ng hallway ay nagulat siya ng may biglang umakbay sa kaniya.

"Woy bes bakit ka umiiwas?" Naguguluhang tanong ni Vaughn kay Meighx habang naglalakad.

"Ha? Anong pinagsasasabi mo diyan?" Maangmaangang wika ni Meighx, tinatago ang pamumula ng mukha na bunga ng pagakbay sa kaniya ng binata.

"E bakit di mo na ako kinakausap?" May papisilpisil pa ng pisnging nalalaman ang binata habang nagsasalita. Agad namang dumipensa si Meighx at inalis ang kamay niya sa pisngi.

"Busy lang ako kaya puwede ba? Lumayo ka muna okay? Haha." Tumawa na lang si Meighx para hindi mahalata ng binata ang kaniyang pagkailang.

"Ay ewan ko sa'yo balakajan." Naiiling na wika ng binata at naiwan siya.

Simula noon ay araw araw na nitong kinukulit si Meighx. Nangingiliti habang kumakain, nambabatok na lang bigla tuwing nagbabasa at marami pang ibang kalokohan habang may ginagawa si Meighx.

IkawakoiyoakinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon