Nakatitig lang sa'yo.
Nakatitig sa'yo mula sa malayo.
Nakatitig sa'yo mula sa malayo.. ng malungkot.
Lungkot na ngayon ko lang naramdaman.
Dahil sa katotohanang hindi tayo pwede.
Hindi tayo pwede dahil sa isang dahilang hinding hindi ko magagawan ng paraan.
Mahal kita.
Pero...
Mahal mo siya.
Bakit ba hindi pwede na tayo na lang dalawa?
Bakit ba hindi na lang tayo pagbigyan ng tadhana?
Bakit ba hindi na lang pwede na itrato mo ako hindi bilang isang kaibigan mo lang?
Bakit ang malas malas ko?
Maya maya ay lumingon ka at tumingin sa akin.
Ang matangos mong ilong. Ang mapula mong mga labi. Ang mata mong singkit.
Napakagandang pagmasdan.
Isang magandang tanawin na biglang naglaho ng bigla kang sumigaw.
"Woy bestfriend kong pangit!"
Walanghiya ka talagang lalaki ka.
Ang galing mong magpaasa.Mahal kita.
Minamahal pa kita.
Mamahalin pa rin kita.
Kahit sobrang masakit na.
Ikawakoiyoakin.
IKAW. AKO.
Walang tayo.
IYO. AKIN.
Walang satin.
Ikaw.Ako.Iyo.Akin.
Walang tayo kaya walang satin..
A/N: One shot lang dapat siya pero gusto ko tong ituloy e. Maganda kaya ang kalalabasan?