Chapter 7-Escape

0 0 0
                                    


Lala's P.O.V

Ngayon na ang tamang oras para umalis ako , kailangan ko ng makaalis bago pa dumating si kuya, at baka malaman din ng mga bantay na may plano akong tumakas ,

I need to go out of here, I want to experience of living outside this house .

Alam Kong magagalit sila papa' sa gagawin Kong ito pero ayoko na habang buhay , nakakulong lang ako at walang ginagawa .

Kinuha ko ang bag na pinaglagyan ko ng gagamitin ko para paglagyan ng pagkain , damit at iba pang kakailanganin ko kung sakali.

Sinuot ko nalang ang all black Kong damit at short tinuck-in ko pa ito para Mas makagalaw ako ng maayos .
Sinuot ko rin ang jacket ko at sumbrero, ang sapin ko naman sa paa ay boots.

Nang makita Kong ayos na ang lahat ay dahan-dahan na Kong bumaba ng hagdan , ito na ang huling pagkakataon na makakalabas ako ng bahay dahil kapag nahuli nila ako ngayon , hihigpintan na nila ang siguridad.

Nakababa ako ng hagdan ng matiwasay , pero imbes na sa front door Ako dumaan ay sa backdoor.

Sumilip muna Ako kung may tao ba bago Ako lumabas .

Nang masiguro ko na wala ng tao sa paligid ay tumakbo Ako papunta sa kabilang puno para magtago at makalipas ang ilang minuto ay may lumabas sa pinaglabasan ko. Mukhang alam na nila na nakalabas Ako ahh.

Bago Ako umalis ay luminga-linga Ako sa bawat sulok ng paligid ng mansiyon.

Hindi ko SIYA makita , napabuntong hininga Ako at naisipan ng maglakad paalis ng lugar na yun .

Hindi ko alam kung saan Ako pupunta.
Maraming mababangis na hayop sa gubat pero Hindi ko naisip yun dahil sa kagustuhan Kong umalis .
Ito na ang Simula ng paglalakbay ko , aalamin ko kung anong meron sa labas ng bahay namin .

Lumipas na ang ilang oras pero patuloy pa rin Ako sa paglalakad , Buti nga at umabot sa tuhod ang boots ko kaya Hindi namamantal ang balat ko , wala naman itong takong kaya Hindi Ako mahihirapan .

Sa di kalayuan ay may nakita akong kulay puting sasakyan ,agad akong tumakbo papunta dito. Tumingin Ako sa paligid para tingnan kung may may-ari ba nito pero wala akong makita .

Hindi ko alam ang tawag dito pero kaya Yata nitong maglakbay sa tubig .
Hindi ko rin alam gamitin , ni Hindi ko nga alam kung anong gagawin .

May nakita akong parang inuupuan kaya triny ko , nagulat Ako kasi lumundag pa ,para syang bike sa hawakan pero walang gulong .

Nakaupo lang Ako ng ilang minuto pero wala pa ring nangyayari.
Nakita ko ang susi kaya kinuha ko ito at hinanap ko kung saan isaksak pero wala akong makita pero ng makita ko sa harap ko na feeling ko dito nilalagay ay triny ko .

Pagkapasok ko ng susi may narinig akong sigaw.

"Miss Larie! " nagulat Ako kaya muntik na Kong sumubsob.

Pero nanlaki ang mata ko ng tumunog ang sasakyan .

Ang galing!!

Inikot ko ang hawakan at maslumakas ang tunog at umabante ang sasakyan .

Nilingon ko ang tumawag sakin at tauhan yun ni Kuya !

"Miss larie! Bumalik na po kayo sa mansyon!" Pero Hindi ko na sya pinakinggan.

Tinuloy ko lang ang pag-ikot sa hawakan at tuloy-tuloy itong umaandar .

Nung una nahihirapan akong paandarin pero nung masanay na Ako ay nakaya ko ng ibalance
, paglingon ko .Sakto namang dumating yung may-ari ng sasakyan na toh.
Paano ko nalaman ?? Nagsisigaw kasi sya dun .

The Chasing IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon