Chapter 8- Cross their Path

0 0 0
                                    


Chaline/ Ynah's P.O.V

Ugh! Ang sakit ng ulo ko !
Minulat ko ang mga mata ko at tiningnan ang paligid!

Napatakip ako ng bibig dahil sa nakita ko.

My God!!

Sobrang daming tao ang napupuno ng dugo ang mga katawan , napaluha ako .

Agad akong tumayo at nilibot ko ang tingin ko kung may makikita akong buhay pa .
Kalahati ng eroplabo ay sira na at Hindi mo na malalaman na bahagi ito ng eroplano.

Kahit nahihilo pa ako ay kinuha ko ang bagahi ko at naglakad lakad para humingi ng tulong.
Papalabas na ko ng eroplano ng makarinig ako ng mahinang humihingi ng tulong .

Agad ko itong hinanap , pumunta ako sa bandang likod ng eroplano at nakita ko dun ang babaeng duguan na may katabing sanggol na umiiyak.

Agad ko itong nilapitan.

"T-tu...lunga...n m-mo ak-ako " hingi nya ng tulong.

Nilapitan ko sya at hinawakan ang palapulsuhan nya .

Sh*t! Mahina na !

Natataranta na rin ako dahil walang tigil sa pag-iyak yung sanggol.

"Ku-ku...ng h...hin-hindi n-a ak...ako...mabu...hay, a-alagaan ...mo an-ak ko...parang awa mo-mo na" umiiyak na rin ito.

Napalunok ako dahil wala akong experience sa pag-aalaga ng bata .
Kahit na puno na ng dugo ang babae ,  nahahalata ang ganda nito.

Tiningnan ko ang sanggol, naalala ko si Ate, naiisip ko na kung si Ate ang nasa ganitong sitwasyon , nasasaktan na ko.

"Ako na ang bahala sa kanya , wag kang mag-alala aalagaan ko sya na parang tunay Kong anak" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang salitang binitawan ko pero naging sinyales ito upang bawian sya ng buhay.

Binuhat ko ang sanggol na lalaki pala .
Nakakatawa kasi tumigil sya sa pag-iyak.
Hinanap ko ang lalagyan ng gamit nya at kinuha ito. Buti nalang kumpleto na ang gamit nya .

Sinukbit ko sa balikat ko ang gamit ni baby at naglakad paalis sa eroplano .

Hindi pa ako nakakalayo ng may makita akong babaeng sumisigaw .
Halatang mayaman sya dahil sa sout nya .
May sugat lang sya sa gilid ng noo kaya okay lang naman sya .
Nilapitan ko sya .

"Walang magagawa ang sigaw mo miss, nasa no-where-to-be-found na lugar tayo , kaya imbes na sumigaw ka Jan , bat di ka maglakad at maghanap mg tulong " suggest ko .

Nagsisimula na namang umiyak si baby.

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Your too young to be a mother" sabi nya .

"Kailan ba masasabi na Nasa tamang edad ka na para maging ina?" Tanong ko .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Chasing IslandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon