1:58 am

23 2 0
                                    

1:58 am, she's done writing the note. A note which will explain every pain she felt. A note which explains all, everything.

Smirking while folding the paper, "Ah, tapos na din, tangina. Matatapos na din sa wakas." Sabay tawa. Tawa nga, peke nga lang.

Her eyes, full of hatred and sadness. Her heart, full of bruises and pain. But her lips, smirked and full of sarcasm. Yeah, no one will save her anymore. Sarili niya nalang ang makakaligtas sa kanya, kaso taliwas pa. Ayaw rin siya iligtas ng sarili niya. 'No choice', ika nga niya.

"San ko ba 'to ilalagay..." Pagkausap sa sarili. Umiikot ang paningin sa buong kwarto habang naghahanap ng magandang pwesto na pwede pagpatungan ng liham na tinatawag niyang 'love letter', kahit.... oo.

Pero sa pag ikot ng paningin niya, may napansin siya. "Shet, ang kalat ng kwarto ko, puta." Sabay kamot sa batok. "Di naman ako aalis nang ganto, ang sagwa." Kausap pa sa sarili, oo.

Sinimulan niya na linisin ang lugar kung san maraming alaala kasama ang sarili niya. Inuna niya na ang mga pulang marka sa tela ng kama niya. Pano ba naman, nagsulat ng mga guhit sa braso gamit ang kulay abo na parisukat, ayun, kumalat ang tinta. Dikit sa tela ang mantsa dahil kulay pula ang tinta. Oo, inuna niya yon, nilagay niya na lahat sa labahan ang mga damit o tela na namantsahan ng mga pulang tinta galing sa pagguhit niya, ewan.

Lumipas ang ilang mga minuto, ayos na rin. Malinis na.

Tumingin sa orasan, "Tangina, mag aalas dos kinse na, kelangan ko na magmadali."

Susi ng sasakyan, cellphone, at pera kung sakaling maubusan man ng pang-gasolina. Ayan lang naman ang dinala niya. Hindi naman kasi siya maglalayas. Siguro mas matindi pa sa paglalayas, naku.

Naglakad na siya dere-deretso sa pintuan nila. Pero bago niya pa mahawakan ang doorknob, napahinto siya, napalingon sa likod.

"San ka pupunta?"

Suicide LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon