di ako aalis

25 2 0
                                    

"San ka pupunta?"

"Samantha, ikaw pala. Di ako aalis. Sumilip lang ako. Bakit gising ka pa?" Buga ng hininga.

"Ate, di pi kasi ako makatulog. Pupuntahan po sana kita. Kantahan mo ako sa kwarto."

Hindi na siya nakapalag pa, hinila na siya ng kapatid niya papunta sa kwarto nito.

"Samantha, don't pull me. My arm hurts." Sabay hila pabalik ng kamay niya. Di pwede makita ng kapatid niya ang mga guhit, eh.

"Ate, sit here beside me. Kantahan mo ako, ate." Sabi nc bunsong kapatid at humiga na sa kama.

Umupo siya sa tabi ng kapatid niya na nakapikit na at hinimas himas ang buhok nito.

🎶 Every time
In my mind,
I'm telling myself 🎶
🎶 Should I be
Who will be?
The man
That'll hold your hand 🎶
🎶 Whenever
I close my eyes
I can see your
lovely smile
And I open it again
And then I see,
The midnight sky 🎶
🎶 Wishing that I'll be
The man
That you'll touch and see
I give my love
That can't explain
We will be running
In the rain 🎶
🎶 And I will hold your hand
Hold my hand
Hmm hmmm 🎶

Tinapik niya ang pisngi ng kapatid niya, tinitignan niya kung tulog na ito. Nang makitang tulog na ang kapatid, naglakad na siya upang lumabas sa kwarto ng kapatid ngunit napalingon siya pabalik at unti unting nangilid ang luha sa mata,

"Samantha..." Naglakad siya papalapit sa kapatid at hinalikan ang pisngi nito. "Samantha, lalaki ka ng walang ate. Kalimutan mo na ako. Hindi ako nararapat na maging kapatid mo. Wala akong kwenta. Wala man lang akong nagawa lara sayo. Pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal ka ni ate, ha? I love you, bunso, Samantha. Wag kang lalaki ng katulad ko, i know you'll be the best. Mahal na mahal kita." Humalik na siya sa noo ng kapatid at lumabas ng kwarto.

Dahan dahan siyang naglakad sa labas ng kwarto, nang madaanan niya ang pintuan ng kwarto ng kuya niyang panganay. Dahan dahan siyang pumasok,

"Kuya, paglabas ko sa kwarto mo, hindi mo na ako kapatid. Paglabas ko, dalawa nalang kayo ni Samantha. Kuya, ingatan mo ang bunso natin. Be protective on her. Wag mo siyang hahayaan lumaking katulad ko, gabayan mo siya sa pagdadalaga niya. I love you, bro. Goodbye." Sabay dahan dahang tapik niya sa braso ng kuya niya.

Paglabas niya ng kwarto, napaupo siya sa sahig,nagpupunas ng luha, "C'mon, move..." bulong niya sa nanghihina niyang sarili. Pinilit niyang tumayo para dumaan sa kwarto ng magulang niya bago siya lumisan.

Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan sa kwarto ng magulang niya, "Mom, Dad. I'm very sorry for not being enough. I'm very sorry for being like this. I'm sorry, I'm gonna ruin your dreams for me. I'm.... I'm very sorry. Thankyou for raising me well. Wala kayong kasalanan sa gagawin ko. Wala Mom, Dad. Please support kuya sa gusto niya, hayaan niyo na siya mag take ng music production as his course. And please never compare Samantha sa kahit kanino. Don't ever expect high sa kanya to the point na di niya na makikilala ang sarili niya. I'm sure she'll be fine, she will do well. Make kuya and Samantha your treasure, kasi dalawa nalang sila. I love you Mom, and Dad. I'm very sorry."

Dahan dahan siyang naglakad palabas ng kwarto, palabas ng bahay, palabas sa buhay niya.

Sumakay siya sa sasakyan niya, at pinaandar niya na yon ng mabilis.

Bumaba siya sa isang convenience store, at bumili ng ikasasaya niya bago maglaho ng parang bula.

Pinatong niya sa passenger seat ang pinamili niya; Apat na bote ng alak, isang kaha ng yosi, lighter, at unting mga sitsirya.

Pinaandar niya ang sasakyan niya hanggang makarating sa isang compound na off limits, bawal pumasok dahil 20 taon na walang nakatira don at natatakpan na ng mga damo ang maliit na gate papasok don kaya hindi masyado kita.

Iniwan niya ang sasakyan sa lugar na medyo malayo sa gate, at naglakad na siya papasok sa gate dala ang nga pinamili niya.

Makikita ang bangin sa dulo ng loob ng compound. Umupo naman siya sa pinakadulo non at nagmasid masid lang muna.

Binuksan niya ang sitsirya, at nagsimulang kainin ito habang tinutungga ang isang bote habang may yosi sa gita ng dalawang daliri.

Inom, hithit, buga. Medyo mahihilo na siya dahil nakatatlong bote na siya at iniinom na niya ang pang apat, hanggang sa maubos niya na.

Naglakad siya sa pinakadulo ng bangin habang nilulusot ang isang kamay sa kanang bulsa. Tumayo muna siya sa dulo habang tumitingin sa paligid.

At sa wakas, nailabas niya na ang blade sa bulsa niya. Tinitigan niya ang pulso niya. Isang guhit. Dalawang guhit. Tatlong guhit. Apat na guhit. Limang guhit. Anim na guhit. Hanggang, hindi na mabilang.

At kasabay ng pagkahilo, dugong tumutulo, humatbang siya ng isa. Sigurado sa pangatlo, malalaglag siya sa mataas na bangin. Hunatbang pa siya ng isa. "Isa nalang..."

At... isa pa. "Salamat, paalam."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Suicide LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon