MIGUEL'S POV
Nakakastress talaga itong mga empleyado namin! Hindi ko alam kung hindi ba talaga ako narinig o hindi talaga alam ang ginagawa nila eh. Nung isang linggo ko pa inaasikaso itong proyekto namin at noon ko pa sila binibigyan ng mga gagawin pero hindi nila matapos-tapos. Hindi ko rin alam kung ako ba may pagkukulang o sadyang nagkamali ng pagtanggap ng empleyado itong kompanya na 'to eh.
"Migs, nararamdaman ko na yung pag-init ng ulo mo. Ipahinga mo iyan tol"
Kasama ko dito ngayon sa opisina si Ashton kahit hindi naman talaga dito ang kwarto niya. Nandito lang siya dahil wala pa siyang ginagawa ngayon samantalang ako, hindi na magkandaugaga sa deadline ng proyekto at sa hindi ko maintindihang mga empleyado. Ang deadline nito ay mamaya na!
Anim na taon na ang nakalipas simula nung surpresahin ko si Irene sa France. Sa pagkakaalam ko, ay tinutulungan niya na ngayon ang kanyang mga magulang sa kanilang clothing line. Si Irene ang nagsisilbing designer ng mga produkto nila at siya ring humahawak sa mga international transactions. Ako naman, CEO na ng kompanya. Hindi naman talaga dapat ako ang gagawa ng proyektong ito kaso may kinalaman kasi ito sa pag-iinvest ng malaki sa clothing line nila Irene dito sa Pilipinas kaya dapat ako mismo ang aasikaso nito.
Si Ashton naman, head na ng Marketing department ng buong Hernandez Corporation. Oo nga pala, nagmamay-ari kami ng maraming properties dito sa Pilipinas ilan na dito ang hotels, subdivisions at resorts. Kaya nga napagkamalan ni Irene noon na resort ang bahay ko noong sapilitan ko siyang dinala doon. Isa pa, maliban sa pagiging marketing head, isang major shareholder din si Ashton sa kompanya namin.
"Sir Julius, tumatawag po si Ms. Irene" sabi ni Brandon, na secretary ko.
Binaba ko ang lahat ng papeles na hawak ko ngunit bago ko pa man makuha ang cellphone mula sa secretary ko, nakuha na iyon ni Ashton.
"Hi Irene!! Kumusta ka na?" pagbati ni Ashton.
"Oy tol akin na 'yan!" inis kong sabi pero hindi niya pa rin binibigay sakin.
Mabuti naman ako dito Ashton. Oo nga pala, okay na ba mga plano natin? Handa na ba? Siguraduhin nating hindi malalaman ni Migs ha.
Hindi ko naririnig ang sinasabi ni Irene mula sa kabilang linya pero mukhang pinagtatawanan ako ng dalawa dahil natatawa si Ashton na hindi ko mawari.
"Oo Irene, okay na. Oo nga pala, saktong-sakto ang tawag mo. Ang aga aga ang init init ng ulo nitong boyfriend mo. Mag-uwi ka ng maraming yelo from France ah, yung kakasya para sa one year supply kay Migs" natatawa niyang sinabi
Hahaha loko ka talaga Ash, di bale, uuwi na naman ako bukas. Ako na ang magpapalamig ng ulo niyan. Lagot 'yan sakin.
"Isa pa Irene, talagang masunurin ang boyfriend mo. Lalaki pa rin talaga ang secretary niya. Nagbilin sa HR na lalaki lang ang pwede. Natanggal yung isa at yung pumalit ngayon, lalaki pa rin. Iba talaga kapag Boss Irene"
Hahaha hay pinapatawa mo na naman ako. Si Leigh nasaan?
"Si Leigh-"
Sumingit ako bigla, "Tapos si Patrick at Summer pag-usapan niyo na rin pati yung mga empleyado dito pati yung krisis na hinaharap ng Pilipinas" hindi naman ako nagseselos dahil ako ang mahal ni Irene at mahal ni Ashton si Leigh pero kasi ako naman talaga ang dapat kinakausap ni Irene ngayon at hindi ang best friend ko.
Nako mukhang naiinip na yung isa hahaha sige na pakausap muna sa bata
Kinuha ko agad kay Ashton ang telepono. Narinig kong tumatawa si Irene mula sa kabilang linya pero hindi muna ako nagsalita dahil kunwari muna ay magtatampo ako. Sinenyasan ko ang secretary ko na lumabas muna at agad naman niyang sinunod iyon.
YOU ARE READING
Unexpected Return
RomansaIrene is back in the Philippines and she will soon be married to his first love, Julius Miguel Hernandez. However, due to a business conference, things will change... Will the heart see the love that is hidden from the eyes? Will it be a happily eve...