Chapter 2

61 1 0
                                    


I am such a failure. 

Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para makuha ang oo ng mga miyembro ngunit nakahanap pa rin sila ng butas sa proposal ko. Hindi ko alam kung ano ba ang problema ng Thalia Perez na yan eh. Sapat na rason na yung kikita ang kompanya. Magreklamo siya kung gagamitin ko yung pera ng kompanya para buhayin si Irene pero hindi eh, may makukuha naman sila pabalik. Kung ano ano pa ang inaangal ng mga 'yon nakakairita.

Nandito ako sa may pool ngayon sa bahay, nakababad. Umiinom ako ng red wine na galing pa sa South Korea habang iniisip din ang mga bagay-bagay sa buhay. Pero higit sa lahat, inaalala ko pa rin yung nangyari kahapon sa pagpupulong. Tatlong buwan palang si Thalia Perez sa kompanya pero bata palang ako, nandoon na ang ama niya kasama ng daddy ko. Magkaibigan sila at sabay nilang pinaunlad ang Hernandez Corporation. 

Napansin kong palapit sa akin si Manang Lidya na may dala-dalang telepono. Agad akong naglakad papunta sa hagdan at umupo sa may poolside. Nakita na ni manang ang ngiti ko dahil alam kong si Irene ang tatawag sa akin. Ngunit nang makalapit na sa akin si Manang, biglang nawala yung ngiti sa mukha niya. 

"Sir Julius, hindi po ito si Ma'am Irene. Si Mr. Barrameda po" 

Biglang nawala ang ngiti sa mukha ko. 

Kinuha ko ang telepono mula kay manang at sinagot ang tawag.

"Mr. Barrameda, napatawag po kayo?" pagbati ko.

"Good morning Mr. Hernandez. About your proposal yesterday, I've decided to support it. But, I agree with Ms. Perez that we have to scrutinize Magnifico first before investing. With that, I plan to send Ms. Perez and a representative of Magnifico on Saturday to Cebu to meet with the suppliers. Is that alright Mr. CEO?"

"Yes Sir, Saturday's good enough"

Binaba na naming dalawa ang telepono matapos magpaalam sa isa't isa. 

Sabado. Sa Sabado ay kailangan na ng representative mula sa Magnifico. Paano ko magagawa yun? Edi hindi na surprise kay Irene pag-uwi niya? Hay nako Thalia Perez, kasalanan mo 'to! Kung hindi dahil sayo edi sana okay na eh, pag-uwi niya magugulat nalang siya may branch na sila dito pero di bale, gagawan ko pa rin ng paraan. Pwede ko namang makakuntsaba sila tito at tita sa surpresa na gagawin ko. 

Bago ko pa man ibigay kay manang ang telepono, tumunog ulit ito at pagkita ko sa screen, pangalan ni Irene ang nakalagay. Pinindot ko agad ito at nilagay sa tainga ko. 

"Hi babe" matamis kong sinabi 

Ang sweet sweet naman, magtrabaho ka muna! sabi ni Irene, sabay tawa.

"Ehh ikaw tumawag eh" patampo ko namang sinabi.

Ahh so ayaw mo akong kausap?

"Alam mo mga babae talaga sila gagawa ng dahilan para magkatampuhan tas sa huli, lalaki pa rin ang magsosorry" sabi ko na kunwari ay lubos na nagtatampo.

Mga babae? Ay oo nga pala ang dami mong naging ex noon.

"Isa lang naman ang pinakaminahal ko at yung babaeng yun, yun lang din ang mamahalin ko habang buhay, lock, tapon susi"

Napatahimik siya bigla. Panigurado, kinilig nanaman ang pinakamamahal kong babae. Akala ko hihingi na siya ng pasensya pero natawa pa talaga siya. Ito yung gusto ko eh, yung masaya siya kahit magmukha na akong tanga, kahit pinagtatawanan niya ako. Alam ko naman at alam namin sa isa't isa na kami lang, wala ng iba.

Hahaha para ka namang bata. Anyway, niloloko lang kita. I love you baby matamis niyang sinabi Pero galingan mo sa trabaho mo ha, work hard, fighting!

Unexpected ReturnWhere stories live. Discover now