'Storya
Tula ni Aymadrimer
Sapatos, sinuot
Sama-samang sumuong
Sumakay sa sasakyan
Sabay-sabay sumagwan.
Sinubok, sinaktan.
Sinakuna, sugatan.
Subalit siniguro, sinikap
Susunod sa saliw
Susunod sa samyo.
Saan?
Sa silangang sisikat
Samahang sumulat
Sulating sumasalaysay
Sa salitang siksik sa sangkap
Sabik sa sarap.
Samakatwid
Samahang sari-saring sinapit — sakit
Sasaksi't sasalubong
Sa sibol,
Sa saya.
#AbáKadaPalabra'Storya