Tulungan Mo Ako, Ana
Tula ni Aymadrimer
[T]iyak na'ng iba'y ngumingisi 'pagkat walang ala[M]
[U]bos na rin ang pasensiya at pakialam ng mund[O]
[L]umapit ang babae sa aking tabi habang lumuluh[A]
[U]maasang puputulin ko ang lubid, bibitiwan ang punyal, titigil sa pagsunto[K]
[N]iyapos niya ako; bumulong, "Ana, kailan ka ba lalay[O]?"
"[G]amot ba ang paglisan ko?" tanong ko sa kaniya—si An[A]
[A]lam naming iyon ang lunas kaya't inilabas ang patalim—ang tiyak na katapusa[N]
[N]aputol nang sabay ang tali namin sa leeg, bumaba sa silya, ako'y lalayo at unti-unti siyang lalay[A].
[Paunawa: Marahil ay may ibang nagtataka kung bakit ganito ang pagkakasulat ng tula. Ang nasa ibabang larawan ang magsisilbing gabay kung paano ito basahin o unawain. Ang tulang ito ay naipaskil at naging bahagi na ng gawain ng Damdaming Nakapaskil. Para sa mga karagdagan pang mga tula tungkol sa paksang ito, maaari ninyong bisitahin ang aming pahina.]
Ang tulang ito ay tinatawag na akrostik. Ang akrostic ay isang tula o iba pang uri ng kasulatan kung saan ang unang titik ng bawat linya ay bumubuo ng espesyal na salita o mensahe. Mayroon ding komplikadong uri ng akrostik kung saan ang unang titik ng mensahe ay hindi sa unahan ng bawat linya, kundi sa gitna. Mayroon ding ibang akrostic kung saan ang unang titik ng mensahe ay hindi sa unahan ng bawat linya kundi sa unahan ng saknong (Tagalog Lang, 2017).
#AbáKadaPalabraTulunganMoAkoAna