Chloe's Pov
"Sunny! Nasan na yung pillow neck ko?!" sigaw ni Lotte.
Ano ba naman itong mga abnormal na ito, hindi ba nila alam na ang ingay nila, at tsaka alasingko palang ng umaga nambubulabog na sila. Nga pala magpapakilala ako na inyong Sleeping Beauty.
Ako si Chloe H. Brook , 24 years old at ang pinakastig at swag sa aming gru- w-wait! parang may nakalimutan ako.
"Hail, ano ba bakit ang kupad mo!?! Jusko excited nako pumunta ng Korea! Ihhhh!" sabi ni Sun na tumitili pa. Ang sakit sa tenga para syang biik na kinakatay!!
"Oy mga gaga! Parehas lang kayo at pakibilis-bilis nga at baka maiwan tayo nila Lie!" sigaw naman ni Cait na parang papatay na.
Sige lang Lie pagsabihan mo sila baka maiw- wait, wait, wait! KOREA!
"Sh*t oo nga pala pupunta kaming Korea! Patay ako nito!"
Sa sobrang takot at bigla ko, napatayo ako ng wala sa oras, siguradong tatalakan na naman ako ni Inahing Cait. Nagmadali akong pumunta sa banyo at minadali ang mga kaartehan ko sa katawan ko.
At dahil alam kong mapipitpit itong pwet ko at matagal-tagal na biyahe ang tatahakin ko ay nagsuot ako ng mga komportableng damit.
Siyempre anong gusto nyo pang pokpok! Pagsuotin noyo na ako ng kahit ano wag lang pambabae! jusko mamaya tumambling-tambling ako dun at masilipan ako ng wala sa oras kung di nyo lang alam Maria Clara kaya ito.
At dahil nga komportableng damit ang isusuot ko, ang sinuot ko ay Yellow turtle neck jacket, inner loose gray shirt, shorts at para perfect na, my signature sneakers
And for last kahit ayaw ko, kasi ayaw ko talaga okay! Liptint! yan okay na yan! I can't hindi ako komportable kapag may make up, para kasi binuburan ako ng harina sa muka!
Syempre mamaya kapag makapal na make up ang gamitin ko ay mag mukha akong clown!
And there you go, I'm ready! Kay leezzzgooo!
At dahil ready na rin naman ang mga gamit ko, bumaba nako sa mala-grand staircase naming hagdan. Kung iniisip niyo na nakalimutan ko pati gamit ko ay mali kayo ngayung umaga ko lang naman nakalimutan na lilipat na kami ng Korea, dahil na rin siguro sa sarap ng tulog ko pero nakapagayos nako kagabi pa, kaya no probs!
Pagbaba ko dalawang tao palang ang nakita ko, sina Hailey at Amethyst. As USUAL wala namang nagbago, mga Early Birds kasi ang dalawang yan, ayaw nilang nale late lalo na sa mga importanteng araw.
Kumakain sila ng madatnan ko sila, kaya hindi ako nag-ingay habang naglalakad pababa, bad yun! Bawal maingay sa amin lalo na kapag kumakain. Kaya dapat tahimik!
Si Amethyst may hawak na libro sa kaliwang kamay habang ang isa naman ay may hawak na mug.
Siyempre mawawalan ba ng libro ang isang bookworm? Siguro kung emergency or urgent.
Pero kung si Thyst ang pagbabasehan kahit ano pang okasyon yan may dala syang libro. While si Kylie naman ay kumakain lang ng tahimik.
Palapit nako sa kanila ng marinig ko yung pinaguusapan nila kayanapahinto ako kaagad. Puro about sa mga politics and academics.
Well, kung ganyan rin lang pala pinaguusapn nila at may balak silang idamay ako ay aakyat nalang ako habang hinihintay sila Sun at ayokong madamay sa kanila! Hindi ko kaya ang mga ganyan na usapan, pwede pa kung about sa sa boxing, barilan o sports eh!, kaso politics and academics? Da, babalikan kopa ba yan! Tapps nako dyan eh!
Pero huli na ang lahat ng maramdaman ni Kylie na nandun ako habang naguusap sila at ng tumingin siya. Oh my The Rock! I'm screwed!
"Chloe, kanina ka pa ba dyan?" tanong ni Kylie sa akin ng mapasin niya na nasa may hagdan ako. Well, ayokong madamay sa inyo at ang pinaka ayaw ko ang usapang politics and academics.
Pero siyempre hindi ko pwedeng sabihin sa kanya yun, naku baka mawalan ng astig tong mundo at puro kaartehan nalanh, kaya nga nandito ako, ako ang magliligtas sainyo!
"Ahh w-wla Kylie, inimagine ko muna kasi na nakikipagbarilan ako laban sa mga terorista, alam mo na yung parang mala spy at ninja ganun! " sagot ko naman. Naku hindi pa naman ako magaling magsinungaling!
At dahil umepekto ang white lie ko ay tumango siya, siyempre emergency iyon, so white lie yun ay hindi! yellow lie pala kasi kanina pako nandun.
"Kumain ka na at baka lumamig na ang pagkain" sabi namn ni Thyst na hindi man lang ako pinasadahan ng tingin habang nagsasalita dahil sa pagkatutok nya sa librong binabasa nya na para bang any time may aagaw sa kanya nun.
Umupo na lang ako sa tabi ni Lie ( Kylie ) at kumain na lang rin ako kasabay si Lie habang pinapakingggan ang mga pinaguusapan nila.
Kahit na masakit at dumudugo na ang tenga ko ay tuloy pa rin ako sa pagkain at tumatango kung nagtatanong sila na puro about sa pagkapresidente ni Duterte at ni Trumph at kung bakit hinhanap ang X and Y.
Hindi ba kung X ka nalang you don't need to ask Y (Why).
Ang gulo talaga ng mundo at tsaka kailan pa nasama si Ex sa Math, ang akala ko pagbibilang lang yung Math, bat nadamay si LOVE? Pakisagot nga ng malinawagan naman ako...
At dahil no choice na rin lang din naman ako, tinuloy ko nalang ang pagkain ko at itinago ang misery na nararamdaman ko.
Ng matapos kaming kumain at natapos narin si Thyst ( Amethyst) sa pagkain nya pero wala pa rin ang mga gaga at talagang nagtake time sila.
7 o'clock na kaya! Ano ba yan isang oras at kalahati silang nagaayos aba sinu-suwerte ata itong mga gagang ito.
"Hey Lie, baka pwede mo ng tawagin yung apat na mga bibe, marami na rin naman silang oras na nagamit" suggest ko kay Kylie, tumango naman siya at tumayo para tawagin sila.
"Hey Sunny, Caitlyn, Charlotte and Hailey! In a count of four, we'll leave you all here and lock you up!" sigaw nito kaya naman wala sa oras na nagkalabugan ang buong bahay at napuno ng mga yabag sa itaas, nagmamadali silang bumaba dahil lahat ng sinasabi ni Lie ay tinototoo niya.
"One! Two! Three! Fou--"
"BOOGGGGSHHHH!"
Naputol sa pagbibilang si Lie dahil sa kabog na narinig nya.
THE HECK!?!
*~~~*~~~~~*~~~~~*~~~~~*~~~~~*~~~*
Author CG at your service!!!
Love MORE! Enjoy MORE!
See you on the next chapter!
BINABASA MO ANG
It's all about US (On-hold)
FanfictionSequel: Para tayong mga aso't pusa nagaaway, nagsasakitan at uncompatible pero kahit na sa lahat ng bagay ay magkakaiba tayo, theirs still something that makes us bind and that's LOVE. Love that cannot be broken, love that melts our hearts. Somethin...