Room (3)

3 2 0
                                    

Chloe’s Pov

“ Irr...irrr… “ hayy.. Ang bigat ng pesteng mga maleta ko

Puno kasi ng mga damit at sobrang daming memorabilia yung inilagay ko sa maleta ko, alam niyo na para may maalala ako nung nasa Pilipinas pa kami

Ang ganda rin talaga rito kailangan lang talaga naming magadapt sa surroundings namin, dahil dito na kami titira

Pagdating namin dito sa hacienda ang una talaga naming nasabi ay ‘ ang ganda ‘. Maluwang at madaming halaman tapos ung bahay namin, parang hindi na nga bahay eh mansion na ata toh sa laki, agad mo ring makikita yung pool

And yung kulay ng bahay ay white and black which make the house look elegant. Grabe hindi talaga nagtipid ang mga magulang namin, they really want the best for us

After kong bumaba agad ko naring kinuha ang maleta, siguradong papatayin ako ni Cait kapag hindi ko dinala ang gamit ko, yung iba ko kasing mga bruhang kaibiganinuna pang libutin ang bahay kesa dalhin ang mga gamit nila kaya no choice si Cait kung hindi ibaba ang mga maleta nila

Tss, ang iresponsable talaga nila, nakakainis. Tinulungan ko nalang rin si Cait sa pagbaba ng mga gamit nila

“ Mga peste talagang mga babae yun! Iniwan ba naman ang mga gamit nila! “ pagalit na sabi ni Cait, patay galit na talaga siya umuusok na nga ata ang ilong niyan eh

“ Ang tatamad talaga, iresponsable pa..hayy… “ sabi ko tsaka nalang ako na pahawak sa ulo ko.

Ang hirap talagang maging matanda sa grupo namin, ang abbata pa kasi nila kaya ganyan

“ OYY! Bakit nandiyan na kayo sa loob? Hindi niyo ba kukunin tong mga bagahe niyo, ano tingin niyo sa akin, alalay!?! “ sigaw ni Cait, kaya naman agad naglabasan ang ang mga tamad

“ Hala! Sorry Cait! Sorry Chloe! Naexcite kasi kami eh!“ paghingi ng tawad nila Hailey at Sunny tsaka sila ngumiti, kaya napatango nalang kami, kaya umalis na sila papasok sa loob

“ Hay naku, ang babata pa talaga nila “ sabi ni Cait, habang napapangiti

“ Oo nga “ sabi ko tsaka tumingin rin sakanila

“ Kahit naman ano pa gawin ng mga yan mahal parin natin yang mga yan eh “ sabi ji Cait habang napapatawa kaya natawa nalang rin ako

Oo naman, kahit ano pa mangyari kami parin ang magkakasama at magdadamayan

“ Chloe, pasok nako ah! Magluluto pa ako eh “ sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya na nasa loob na

“ Sige! Sarapan mo! “ siaw ko sakanya na paalis na, napangiti nalang siya tsaka nagthumbs up

Kaya pumasok narin ako, wow, kasing ganda ng sa labas ung sa loob. Pagpasok dito, agad mong makikita yung stairs sa harap, sala sa left, kitchen sa right, at glass na naghahati sa ng daan papuntang garden at sa pool

Agad na rin akong umakyat sa stair, irr.. Bigat talaga! Pagakyat ko agad kong hinanap yung pangalan ko, nakita ko naman agad toh sa left wing kaya pumasok na ako sa kuwarto ko

Daebak! Ang linis ng room ko, ganitong ganito ang gusto ko! clean, elegant, and perfect! Perfectionist kasi ako kung hindi niyo alam, gusto ko lahat maayos, lahat maganda at lahat tama

Parang katulad ng mga gamit ko, laging maayos kasi maalaga ako sa gamit ko hindi ako burara, hindi ko rin gusto yung mga taong laging nakakasira ng gamit or in short mga clumsy

Basta pagclumsy nakakabusit, para kasing wala silang pake sa gamit na yun kapag na sira nila, na dapat lahat ng gamit pinapahalagaan

Parang tao lang yan dapat pahalagaan mo, dapat bigyan mo ng importansiya kasi kung wala kang importansyang maibibigay dyan eh sa una palang bakit mo pa siya pinili?

Oopps! Burn b*tches! Hahaha, sorry humuhugot na naman ako

Yung room ko ay vintage style, malinis at maayos ang mga gamit, limited din ang mga furniture para hindi sumikip, my perfect taste

Maliligo na muna ako, kaya agad na akong pumasok sa banyo, ulalala! Graciousness! Ang sosyal talaga ng bahay na toh, bathtub, shower, tapos ung floor gosh hindi floor kundi stones! Ang elegante din ng mga gamit dito

After ng napakatagal na pagligo ko natapos rin ako, woohh Freshh!

Nagumpisa na rin akong magayos ng mga gamit ko, from clothes, shoes, and to my toothbrush

After kong mailagay ang last book ko sa shelf, nakarinig ako ng sigaw, definitely Cait

“ DINNER IS READY BITCHES! “ tumataginting na sigaw ni Cait mula sa ibaba, nakasubo ata talaga ng megaphone tong babae na toh eh, grabe ang vocal cords mapapatid na ata

Lumabas narin kaagad ako tsaka ko nakitang nagrerace si Lotte at Sunny, sigurado sa pagkain nayan

“ Hindi akooo kaya!! “ sigaw ni sunny tsaka kumaripas ng takbo para habulin si Lotte

--------------------------------------

Next chapter here we come!

Love MORE Enjoy MOREĺ

-- Cg at your service!

It's all about US (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon