Chapter 6: Disaster

187 5 1
                                    

Umuwi si Wendy na nakabusangot, ni ang kaisa-isa nitong kaibigan na si Patricia ay ayaw siyang paniwalaan.

"What do you expect? Hindi naman siya katulad natin."

"Urgh! Pwede ba manahimik ka muna Leanne?" Inis na sinara ni Wendy ang pintuan ng kanyang kwarto. Wala naman ang kanyang Tita kaya maari niyang gawin ang gusto niya pati na ang pakikipagusap sa sarili---kay Leanne.

"Nandyan naman sina tita Kassandra! Sila nalang ang bumalik sa pwesto." Giit ni Wendy sa kakambal.

"Hindi na pwede pang umupo ulit ang mga dating nakaupo sa pwesto. Hindi ka naman nila pipilitin kung mayroon namang pwedeng bumalik." Sagot ni Leanne.

"Kailan ba nila ako tatantanan? I don't  want to take the throne! At mas lalong ayaw kong pakasalan si Lincon, alam naman nating dalawa na sayo siya may gusto---"

"E sino ba ang buhay sating dalawa ngayon? I'm just a soul Lianna."

Hindi napigilan ni Wendy na maluha sa kanyang narinig. Oo isa lang kalahati si Leanne pero minahal niya ito bilang tunay na kapatid tulad ng kanyang kuya Von.

Inaamin niya na natratrauma siya sa pangyayari, magulo ang lahat, ni siya hindi maintindihan kung paano at bakit. Pero hindi na niya inaalala yon,  mas gusto niyang manirahan sa mundo ng mga tao. Gusto niya ng katahimikan kasama si Leanne na nasa loob niya, bilang parte ng kanyang pagkatao.

"Napaka iyakin mo. Tantanan mo nga yan!"

"E kasi naman Leanne namimiss na kita!" Reklamo ni Wendy habang pinupunasan ang luha sa mga mata.

Wala siyang nakuhang sagot muna sa kakambal, bagkus ay nanahimik ito. Inisip ni Wendy na baka nainis to sa kanya kaya di nalang nagsalita.

Tumigil na siya sa pag iyak, walang mangyayari kapag naging mahina. Walang magbabago kahit na umiyak ka pa ng dugo.

Kumuha nalang siya ng kung anong mapulot niyang libro sa maliit na study table niya at napagdesisyunang basahin yon don upang panandaliang makalimutan ang lahat.

Sa tagal niyang nagbabasa, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Nagising si Wendy nang may tumatawag sa pangalan niya na pamilyar ang boses. Kinurap niya muna ang kanyang mga mata para baka sakaling hindi siya naaalimpungatan.

Dahil ang boses na iyon ay galing sa kanyang ama na si Viex Daniel Astrid.

Nilingon niya ito ng may halong gulat at kuryosidad. Totoo nga, nakatayo ito malapit sa pintuan niya. Nakasuot ng pukang tuxedo at pants ang kanyang ama, nilibot niya ang tingin dito at umaasang makikita ang crest (Ariessienne Crestalia) ng kanilang pamilya ngunit hindi niya ito nakita. Kahit ang kanyang ama, hindi nagbolontaryong umupo sa trono.

"A-anong ginagawa mo dito dad?" Tanong ni Wendy ngunit nginitian lang siya ng Ama.

Nagulat ito ng biglang nagkaron ng takot sa mukha ng ama at sumigaw ng  "Tulungan mo kami Lianna!" Bago tuluyang maglaho. Biglang napapikit at napatakip sa tenga si Wendy dahil sa sobrang lakas na sigaw ng Ama.

Hindi na niya masundan ang mga susunod na pangyayari, pagkadilat ng kanyang mga mata. Nabalik siya sa kanyang tunay na mundo at nakita niya itong sobrang gulo.

Pinapatay lahat o di kaya'y dinadakip. Ang mga alagad ng dark side ay sumugod sa kaharian ng Ariessienne. Magulo, puro pagsabog ang maririnig, kanya kanyang labas ng kanilang mahika upang maipagtabggol ang sarili.

Ang hindi niya matiis makita, ay kung paano dakipin ng masasama ang kanyang Ama at Kuya na sugatan at walang malay.

At tuluyang nagising si Wendy mula sa kanyang panaginip.

-----

Vote, Comment, and Share!

-Ateng Yelo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[ON HOLD] Book 3: The Runaway Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon