Chapter 5: Black Crow

297 8 3
                                    

Wendy Dela Sierra

Nang mag sabado. Nakahiga lang ako maghapon sa kama ko. Ayaw kasi ni Aling Senang na tumulong ako sa negosyo nila kaya narito lang ako sa kwarto ko at nagmukmok.

Hindi ko parin makalimutan ang presensyang naramdaman ko noong nasa hallway kami. Kay Daddy ba talaga 'yon? Siya ba talaga yung naaninag ko? Anong gagawin ko?

Bumaligtad ako at ibinaon ko ang ulo ko sa unan. Ilang saglit pa ay naisipan kong bumangon at umupo sa kama ko. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Parang may kulang?

Biglang sumagi sa isip ko ang mukha ng mga kaibigan ko at ng mga pinsan ko. "Oh God..Lianna!" Inis kong sinabunutan ang sarili ko.

Kinalimutan ko na sila! Hindi na ako si Lianna, ako na si Wendy. Kinalimutan ko na ang buhay ko. No...tinakasan ko.

Hindi ko na namalayan pang tumutulo na ang luha ko. Unti unti silang gumagapang pababa ng pisngi ko. Marahas ko itong pinunasan gamit ng kumot ko.

Halos ilang buwan nang nagdaan na lagi akong naiiyak sa tuwing naaalala ko ito. Hindi ko maitatanggi na namimiss ko na ang dati kong buhay. Namimiss ko na ang mga kaibigan ko, ang Arriessienne Kingdom, ang Academy, si Kuya, si Daddy, at si Lincon.

Binato ko palayo saakin ang kumot ko. No! Ginusto ko 'to kaya paninindigan ko ito!

Biglang nagkaron ng ingay sa kwarto. Parang may kumakatok? Tumingin ako sa pintuan. Hindi. Impossible. Para bang galing sa bintana?

Tumayo ako para lapitan ang bintanang katabi lang ng aparador ko bago mag pintuan. Dun nga!

Lumapit ako para buksan 'yon pero isang uwak na tinutuka ang bintana ko. Agad ko iyong binuksan pero agad ding lumipad ang uwak pero may nilapag siyang isang kapiraso ng papel na kulay dilaw na nakatupi sa dalawa.

Kinuha ko iyon at sinara ang pintuan. Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang sulat. Buksan ko na kaya?

Unti unti kong binuksan ang sulat at binasa ito...

Please come back...

Basa ko rito. Biglang kumabog ang dibdib ko. Sino naman kaya ang magbibigay nito?

May napansin akong nakasulat sa ilalim ng papel. Ito siguro ang nagsulat nito.


"L.S? Again?" Nagtatakang tanong ko sa sarili ko. Naalala ko yung lalaking may tattoo na L.S, possible kayang siya ang nagpadala nito? Hindi. Dahil parang normal lang siyang studyante.

Sino si L.S?! Tumayo ako sa kama at nagbihis. Pagkatapos ay agad agad na akong umalis ng walang paalam. I need answers.


---------------

Sorry for the super duper late update! T.T

[ON HOLD] Book 3: The Runaway Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon