Chapter 2: Controlled

272 8 0
                                    

(Author's note: From now on, we will using the name "Wendy Dela Sierra" as Lianna.)

Wendy Dela Sierra

As I walk through the corridor, all eyes are on me. I don't know why they're laughing and staring at me. Is there a dirt in my face?

When I enter our classroom. All of my classmates are laughing and looking at me. What's wrong?

"Wendy! Hindi mo naman kami nainform na tae pala ng ibon ang shampoo mo?" Natatawang sabi ni Ryan. Isa sa mga maloloko dito sa classroom.

Simula nang mawala si Leanne and her soul possess my body, paminsan minsa'y nararamdaman kong siya ang nag cocontrol sakin. Minsan nga'y hindi ko na alam ang ginagawa ko. At pagkatapos nun, bigla nalang ako tatawagin sa Student Discipline.

Madalas akong binubully sa eskwelahang ito. Marahil siguro'y wala akong kaibigan at iba sa paningin ng mga tao ang natural na kulay lila na buhok.

Hinawakan ko ang buhok ko. Ang lagkit. Anong meron? Inamoy ko ito pero agad kong nilayo ang kamay ko. Ang baho!

"Hahahaha! Naliligo ng tae ng ibon si Wendy! Hahahaha!" Yumuko ako at dahan dahang lumabas ng classroom.

Hindi na siguro muna ako papasok. Magsasakit sakitan nalang ako para makauwi. Kakatok na sana ako sa faculty room nang parang may biglabg tumitigil sakin.

"Leanne ano ba.." Bulong ko sa sarili ko at pilit kong inilalapit ang kamay ko sa pintuan.

"Umayos ka nga Leanne!" Bulong ko ulit sa sarili ko. Bigla akong nahilo kaya medyo nagpagewabg gewang ako. Masama ito. Leanne's want to control me! Hindi ko na nakayanan kaya biglang dumilim ang paligid ko.

(Author's note: Kapag nilagay ko ang pangalang "Leanne Danielle Astrid" it means na siya yung kumukontrol sa katawan ni Lianna. Lilinawin ko lang guys, Leanne's not death. Namatay lang yung katauhan niya but her soul is alive and nasa katawan siya ni Lianna because Leanne is only Lianna's half. Gets niyo ba? May POV rin siya pero bihira lang kasi mostly puro control lang by physical tulad ng pag pigil sa dapat gawin ni Lianna like walking, knocking, writing, etc.)

Leanne Danielle Astrid

Yes. It's rude to control Lianna's body ng walang paalam but I need to. Ayokong binubully at sinasaktan nila si Lianna kaya kahit kaluluwa nalang ako, I still need to protect Lianna.

Speaking of Lianna. I'm now wearing a red lipstick at tinanggal ko na yung nakakadiring tae ng ibon sa buhok ni Lianna at hinayaan 'yong ilugay kaya naging kulot ang buhok ko. Lagi kasing naka bun si Lianna dahil nakaka irita daw ang buhok niya. Kung ayaw niyang mairita edi magpakalbo nalang siya. Tsk.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Magbabayad kayo bitches.

"Uy! Ang ganda naman ng transformation mo Wendy! Nag mukha kang tao!" Sabi nung lalaki niyang kaklase. I don't his name, yet, I don't care.

After Lianna runaway from Ariessienne Kingdom, dito na siya nanirahan. Kinupkop siya ni Senang. I think I should thank that old woman.

Hindi ko na pinakaialaman kung anong gusto ni Lianna. Mali rin naman kasing magpakasal ka sa taong hindi mo mahal but, hindi naman niya papakasalan si Lincon para kang sa wala. Lucia died because of that damn Cia kaya wala ng reyna ang Ariessienne. Babae ang nawala, kaya babae din ang papalit. At si Lianna 'yon. Father wants Lianna to marry Lincon for the kingdom and the academy. Viex is not dumb. Alam niya ang ginagawa niya.

Hindi ko pinansin yung lalaki. Dirediretso ang pumasok sa classroom at umupo sa upuan ni Lianna. Naramdaman siguro nila na seryoso ako kaya nanahimik ang klase kasabay ng padating ng Math teacher. Sh*t? Ang gandang bungad ha!

Isang oras ang klase nina Lianna sa math. Limang minuto palang ang lumilipas ay para na akong mamamatay at tingin ng tingin sa wallclock namin.

"Miss Castro!" Yeah. Tulad ng pagkabasa niyo sa exclamation point, pasigaw ko ding tinawag ang teacher ko. Halos mabali ang leeg ng mga kaklase kong lumingon sakin.

"CR." Maikli kong sabi.

Tumango ang teacher ko at pinagpatuloy ang walang kwenta niyang discussion.

Pagkalabas ko ng classroom ay para akong nakalabas sa kulungan. Huminga ako ng malalim bago naglakad paalis ng impyerno naming classroom.

Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong tatlong lalaki sa corridor. Akala ko'y lalagpasan nila ako pero hinarang nila ako.

"Uy Wendy! Gumaganda ka ata ngayon ah!" Umirap ako.

"Pakialam mo ba?"

"Uy bro. Matapang na ngayon si Wendy! Hahahaha! Tapang na ni lampa bro!" Inikot ko yung kamay na nakapatong sa balikat ko. Sinipa ko yung lalaking tinawag si Lianna na lampa. Makakapatay ako nito eh!

Sinapak ko yung lalaki kaya napatumba siya at nawalan ng malay. Gayondin ang nangyari sa pangalawang lalaki.

Ngumisi yung pangatlong stupidyante at susugurin sana ako pero may biglang humawak na kamay. Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Sino ba 'to?

Tumingin ako sa paligid. Lahat sila nagtitinginan. Break time na pala kaya maraming nakakita ng ginawa ko.

"Wendy Della Sierra! Go to the principal's office!" Biglang sumulpot ang vice principal sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya at sumama. Nahati sa isang daan ang mga tao para makadaan kami.

Pero bago ako makaalis, tumingin ulit ako sa lalaking pumigil sa stupidyanteng susugurin sana ako. Ganun parin ang posisyon nila na tila walang balak pumigil sa kanila. Naka angat parin kamay nung lalaki at hawak-hawak ang kamay nung stupidyante. Nakita ko ang nakaukit sa kamay niya...

"L.S?" Bulong ko sa sarili ko bago lamunin ng tao ang tinitignan ko.

Bakit parang pamilyar ang L.S?

-------------

Vote and comment ANY!

HAPPY 7.2K READS!

-ATENG YELO

[ON HOLD] Book 3: The Runaway Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon