CHAPTER 1

13 3 0
                                    

NAGISING ako sa malakas na kalabog sa aking pinto.

"Ate! gising ka na male-late na naman tayo"

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin  ang kapatid kong si Viselle Amethyst na nakasimangot.

"Ate naman eh.. di porket wala dito sina dad late ka nanaman magigising" galit na wika ng kambal ko.

Magkamukha kami. Pero sabi ng iba masyadong dark yung aura ko at fierce habang si Thyst naman ay mala anghel daw at kalmado.

Well i agree naman. Palaban ako at siya naman ay...well... sabihin nalang natin na strikto pero mabait naman.

"Ohh.. my dearest kambal. Ok lang naman malate tayo eh ikaw naman ang presidente ng school" sabi ko nalamang

Sinamaan naman nya ako ng titig. Sinamaan ko din sya ng titig hmp.. kala mo ha.

"Kaya nga dapat early tayo kasi ako ang presidente" kalmado niya nang sabi

"O sya sige na nga shoo.. alis kana maliligo na ako" pagtataboy ko sa kanya

Nang nakaalis na siya ni-lock ko ang pinto at tumalon papuntang kama para matulog uli.

"Huwag mong subukang matulog uli! May susi ako nang mansyon" naring kong sigaw ni Thyst

Napaungol na lang ako sa pagkadismaya saka ko kinuha ang phone ko at tiningnan kung anong oras na. Ughh.. masyado pang early 6:02 palang pero kahit ganoon pumunta na ako sa banyo.

After doing all of my necessities. Bumababa na ako para kumain. I'm wearing an off shoulder crop top color black and short shorts.

Nakita kong patapos na si Amethyst kumain. Nang nakita niya ako agad siyang tumayo.

"Lika na ate kain ka na tapos na ako Sorry hindi na kita hinintay bigla kasi akong nagutom. Ipapahanda ko na lang ang kotse. At doon na ako sa labas maghihintay" Saka tumayo

Tinanguan ko na lang siya.

"Yung lambo yung gagamitin natin ngayon ako mag dadrive." Sabi ko sa papaalis na si Amethyst.

Lumingon sya sa aking na parang nag dadalawang isip.

"Uhhmm.. ate pwede bang iba na lang. Masyado kasing agaw pansin yun eh." Nahihiyang tugon nya sa akin.

Masyado bang agaw pansin yun? Pake ba nila amin naman yon di kanila. They should learn to mind their own business.

"Wala akong pake sa kanila si-" bigla akong naputol nang nagsalita sya.

"Ate naman...." pangungumbinsi niya.

At dahil kambal ko siya di ko siyang kayang tanggihan.

"Tss. Sige na nga yung  Chevrolet Camaro na lang. I'm driving!" Nakasimangot kong sabi

Tumalikod na siya at hindi na sumagot pa. Pagpunta ko sa dining room nakita kong nakahanda ang bacon, itlog at fried rice. Yuck! I dont like this. Tiningnan ko si manang na nasa aking gilid lamang

"Manang ano 'to?  Ayaw ko nito! I want pancake! Didn't I told you that already?!" Tanong ko.

Tiningnan nya ako takot na takot. Tss. What's new?  Dapat nasasanay na sila sa ugali ko eh.

"Ang sama talaga ng ugali ni ma'am"

"Oo nga parang demonyo"

"Ang tanda na ni manang sinisigawan pa niya."

Tiningnan ko ang mga pangit na kasambahay at tinaasan ng  kilay at nakita ko ang gulat at takot sa mukha nila. Sino ba sila sa tingin nila? Isa lang silang kasambahay! At ako ang amo nila! Gagawin ko ang gusto at wala na sila pakialam doon

Kinuha ko pitsel saka tumungo sa kanila. Binuhos ko lahat nang tubig dito.

"Yan ang mapapala ninyo sa pigiging chismosa mga pangit! Ako ang amo niyo dito! Ako! Tandaan nyo yan. You have no rights to judge me katulong lang kayo. Langit ako, at lupa lang kayo!" Galit kong sigaw sa kanila

"Ang sama mo talaga! Wala kang puso!" Sabi ng isa habang umiiyak

OA to binuhusan lang ng tubig eh. Inirapan ko siya.Sa galit ko tinalikuran ko sila saka kinuha ang pitsel  na may juice saka binuhos naman sa kanila. Nakita ko ang pagkagulat sa kanilang pangit  na mukha.

"Oopsss..... next time kasi wag kang sasagot sagot oh... wait...  wala na palang next time." Sabi ko habang  tumatawa.

Nakita ko ang pagputla ng mukha nila. Akala nyo papalampasin ko ito. No way!

"You three are all fvcking fired! Get out of my house!  I dont want to see your ugly faces again. Oh baka gusto nyo pati kape ibuhos ko sa inyo!"  Galit kong sigaw sa kanila.

Sinampal ako nang isa. Nagulat ako. Nagawa niya pang idampi ang kanyang maruruming kamay sa maganda kong mukha?! Sinampal ko sya pabalalik ng napakalakas at muntikan ko na siyang sunggaban ng may humawak sa akin.

"Ate ano ba naman to? Nananaktan ka na naman? Bakit ba ang sama sama mo? Pati sila dinadamay mo sa pagiwan ni Dra-"  hindi ko na pinatapos si Amethyst.

Tumakbo na ako palabas na umiiyak. Saka sumakay sa kotse.Gosh yung makeup ko. Nasaktan ako sa mga salitang sinabi sa akin ng sarili kong kambal. Oo, kahit ganito ako nasasaktan pa rin ako. Pero kahit ganoon inalis ko ang  mga tumutulong luha.  Inisip ko na malakas ako malakas ako malakas ako! Hindi ako umiiyak! Hindi!

Kinuha ko na lang ang phone saka nag facebook.  Nang naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan  ng kotse. Si Amethyst lang pala. Pinaandar ko na ang kotse. Nang hindi siya pinapansin.

"Ate... i'm sorry ate. Hindi ko sinadya ang sinabi ko kanina." Hinging paumanhin niya.

Pero hindo ko na iyon pinakialaman at nag focus na lang sa pagdadrive. Tahimik kami the whole time sa loob ng kotse. Walang bumasag sa katahimikan hanggang sa dumating na kami sa school. Ipinark ko na ang kotse saka bumababa at naglakad papuntang building.

"Ate sandali!" Rinig kong tawag ni thyst

Huminto ako pero hindi ko sya nilingunan.

"Ate sorry na. Di ko yon sinasadya." Sabi nya na para bang iiyak na siya sa tono na ginagamit niya.

I looked at her coldly and walked away.Wala na akong pake. Muntikan na niyang sabihin ang pangalan niya.  We made a deal na hindi sabihin  ang pangalan niya. Pero kanina muntikan niya nang masabi yon! I admit hindi pa ako nakakamove on mahal ko  pa din siya pero sinaktan niya ako.Tss. Ulol yon eh.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

First time ko magsulat ng story hope you like it. Sorry sa mga gramatical errors at mga typos.

xeenazeen

Help Me Move On (Hm #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon