CHAPTER 3

8 1 0
                                    

Pagkatapos kaming kausapin ni tito pumunta muna ako sa canteen para kumain. Mamayang dismissal pa naman kami maglilinis.

"Miss i would like to order a chocolate cake"

"Is that all Ms. Baltamore?" Tanong ng babaeng kumukuha ng order ko.

"And also large iced tea, that would be all" sagot ko

Inulit nya ang inorder ko saka sinabi kung magkano lahat. Umupo na ako sa isang table. Inilibot ko ang aking mata sa paligid at nakita ko  iilan lang ang mga student dito sa canteen well may klase pa kasi. Nang dumating ang order ko kinain ko na direstso. Habang kumakain ako napa isip ako. Bakit napakaprotective naman ng Venomere na yon  kay Eleina? Kuya nya ba yon? Boyfriend? Marami pa akong tanong sa isip ko ng may naramdaman akong malamig na bagay sa ulo ko na tumutulo papuntang likod ko. Aish naka crop top pa naman ako. Lumingon ako at nakita  ko si..

"Uy Besh.. mukha kang tanga nakatulala dyan! Gising na!" Sabi ng bestfriend kong si Lynia

Binatukan ko siya na nagpasimangot sa mukha niya.

"Kailangan ba talagang buhusan mo ako ng ice tea?! Nabasa na tuloy ako! Ughhh it's so sticky" galit kong sabi sa kanya.

Tinaasan nya lang ako ng kilay at hindi na ako sinagot

"Wait wait bakit ka nga pala andito? Wala ka na bang klase?" Pag iiba nya ng usapan.

"Meron pero punish na naman ako. Bwisit na Eleina panget na yon! Papatayin ko na talaga siya" Gigil kong saad

Humagalpak naman ng tawa si Lynia

"Hindi pa ba kayo sanay? Palagi naman kayong dalawa ang pinapunish ah" sabinya ng natatawa

Sinamaan ko siya ng titig na nagpahinto sa kanya. Kita ko naman sa mukha niya na gusto pa niyang tumawa.

"Hindi lang kaming dalawa. May kasama kaming lalaki ano nga ba pangalan nun? Venomere Startene ba yun?"

Nakita kong nanlaki ang mata niya at handa ng sumigaw.

"Kyaaahhh.. Venomere? The famous Venomere Startene?! Holy moly guacamole! Kaya pala ang lalim ng iniisip mo. Crush mo noh?" Malakas na sabi niya

"Ako? Magkacrush sa gagong yon? Muntikan na nga akong suntukin ng gagong yon eh" irita kong sabi.

Nagtaka naman sya sa sinabi ko kaya nagpakwento sya sa lahat ng nangyari. Pagkatapos kong magkwento. Tulala lang siya. I snapped my fingers right in front of her face na nagpagising ng ulirat niya.

"Really ginawa nya yun sayo? Abat' wala na akong pakialam kung gwapo siya! Tara besh i-wrestling natin" sabi  nya na ikinatawa ko..

"Baka nakakalimutan mo na basa ako ngayon? Tara shopping tayo?" Sabi ko sa kanya

Sumang ayon naman siya at umalis na kami at pumunta na sa mall ng school. Oo  may mall dito. Well technically hindi sya sa loob ng school pero may gate kaming papunta doon bale naka konekto lang ito sa school.

Naglilibot-libot kami sa mall hanggang sa nakabili na kami. Pumunta na ako sa cr at nagpalit  nang paglabas ko  nagutom si Lynia. Pumunta kami sa starbucks at nag order. Umalis muna si Lynia dahil may titingnan daw muna sya sa labas.

Habang naghihintay napadapo ang mata ko sa isang pamilyar na lalaki. Si Venomere ba yon? Oh my god si Venomere nga! Nakita kong umu-order sya kasama ang mga kaibigan nya siguro  ng bigla siyang lumingon sa gawi ko. Mabilis kong inalis ang titig ko saka tumingin sa labas. Gosh asan na ba si Lynia andito na order namin.

"Bakit mo ako titningnan?"

Nagulat ako at tiningnan kung sino ang nasa harap ko.

"Ah..ehh wala? May hinahanap ako."sagot ko

Totoo naman ah hinahanap ko si Lynia

"Diba sabi ko naman sayo ayokong makipag 'ano' sayo. Hindi kita mahal bakit mo ako pinipilit!!" Pasigaw niyang sabi.

Ano ang pinagsasabi nito? Anong pakulo to? Baliw ba 'to? Lumingon ako at nakita kong maraming nakatitig sa amin saka maraming bulong-bulongan like 'ang landi ni girl' 'ang ganda nga pero slut' ' yucks hindi na nahiya at namilit pa!'. Tiningnan ko si Venomere at nakita kong nakangisi sya.

"I told you will pay for this. Sinipa mo ari ko!" Bulong niya sa akin

Umalis na siya at pumunta sa mga kaibigan niya. Nakita kong tumingin silang lahat sa aking ng tumatawa maliban sa isang lalaki.

Nardaman kong tumulo ang mga luha ko sa kahihiyan saka tumakbo palabas. Bakit  niya nagawa yon? Ang sama-sama niya! Pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko... hindi kita uurungan sinimulan mo ang larong ito at ako ang tatapos.....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hehe sorry for the lame update.... susubukan kong pagandahin next time. I'm not feeling well today. Sana nagustohan niyo pa rin kahit konti.

xeenazeen

Help Me Move On (Hm #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon