Chapter 3 - First Day

14 9 1
                                    

Jamie’s POV

Buti na lang may inalok sakin si Isabel na trabaho at mababayaran ko ang renta dito sa bahay namin. Tatlong araw na ang nakalipas at ito ang unang araw ko sa trabaho na inalok ni Isabel di ko ba alam bakit ang bilis bilis ko magumpisa sa trabaho, Bumabyahe ako ngayon papunta sa address na ibinigay ni Isabel sakin medyo may kalayuan ng kaunti sa bahay ko.

Makalipas ng isang oras sa wakas nakarating na rin ako sa bahay ng aking papasukan at medyo natagalan ako dahil di ko kaagad nakita ang kanyang bahay, papagalitan niya kaya ako? Haystt dapat pala mas maaga akong nakaalis ang pangit naman kasi first day ko tapos late ako ng 30 minutes arghhhh!. Ang laki ng bahay niya feeling ko sobrang yaman niya talaga, pinindot ko yung door bell para pagbuksan ako ng pinto ngunit walang taong lumabas o sumisigaw mula sa loob kaya pinindot ko ito ulit ng dalawang beses baka kasi di naririnig ng amo ko o di kaya’y tulog pa siya pero wala talagang nagpakita sakin pano ako nito makakapasok sa loob?. Sumilip ako sa may gilid ng gate para masulyapan kung ano ang nangyayari sa loob pero nang sumandal ako sa gate biglang bumukas ito at sa aking hindi inaasahan na pagbukas nito aksidente akong nahulog paharap at nadali ang aking mukha, “Pakshett naman oh kung minamalas ka naman tsk tsk” ang tanga ko talaga haytss, Wait?! bakit nakabukas yung gate?! Ang weird ahh ang laki laki ng mansion tapos nakabukas yung gate, parang may mali ahh.... makapasok nga sa loob ng bahay asan kaya yung pintuan? mahanap nga. Wow naman ang laki ng mansion niya ilang square feet kaya ito? Kulay black at red ang bahay medyo weird ahh dapat light colors ang mga bahay na ganyan hindi puro dark, sa gilid nito may isang malaking pool at sa kabila naman ay puro kotse at sa tingin ko milyones ang halaga nito. Pagpunta ko sa harap ng pintuan kumatok ako ng tatlong beses at ganon pa rin walang sumasagot kaya inikot ko yung door knob at tama nga ang hinala ko na pati ang pintuan ng bahay ay nakabukas kaya pumasok na lang ako bigla sa loob dahil parang may mali talaga, pagpasok ko sa loob nakapatay ang ilaw “Sir? Tao po? Nandito na po ako sir...” may mali talag---  BBOOOOM! Anong tunog na yon?! San nanggaling? Doon ata sa kwartong yon! Mapuntahan nga!, pumunta ako sa

Jay’s POV

It’s already 7am pero wala pa rin yung babaeng sinasabi ni ate na magiging P.A ko dapat kaninang 6:30 pa siya nandito tsk tsk I will scold her once na nakarating na siya dito unang araw pa lang niya sa trabaho late na agad! Kailangan ko nang kumain at nagugutom na ako dahil simula pa kagabi na ihatid ako dito nila ate ay hindi pa ako kumakain ‘Ding Dong!’ ayan sa wakas! Dumating na rin siya! ‘Ding Dong, Ding Dong!’ bukas naman yung gate ahhh, pinabuksan ko kay ate yun kagabi bago siya umalis para makapasok siya agad, sinabi kaya ni ate sa kanya yon? Pero kahit na! siguro ang tanga naman ng babaeng yon, alam naman niyang baldado ako arghhh sa oras na makita ko talaga ang babaeng yon malalagot sakin lalo pa ngayon gutom na gutom ako! ‘Tok! Tok! Tok!’ ayan konting tiis na lang nasa labas na siya ng bahay, nasan na ba yung mask ko? Ayun! ‘BBOOOM!’ SHEEET! Yung cellphone at mga libro ko bumagsak!, sinubukan kong tumayo para kuhain yung mga libro at cp ko pero bigla na lang ako nahulog sa sahig.

“Sir? Tao po? Nandito na po ako sir...” narinig ko siyang sumigaw at narinig ko rin mga yabag ng kanyang paa nang bumagsak ang mga libro ko at maya maya bumukas ang pintuan ng kwarto ko at isang pamilyar na babae ang bumungad sakin YUNG BABAE NA NATAPUNAN KO NG KAPE!
“I-ikaw!? A-ano ang ginagawa m-mo dito?” sabay tinuro ko siya habang nakahiga ako sa sahig

” narinig ko siyang sumigaw at narinig ko rin mga yabag ng kanyang paa nang bumagsak ang mga libro ko at maya maya bumukas ang pintuan ng kwarto ko at isang pamilyar na babae ang bumungad sakin YUNG BABAE NA NATAPUNAN KO NG KAPE!
“I-ikaw!? A-ano a...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
MISMATCH - Mr. Inrovert meets Ms. Witty [On-Going]Where stories live. Discover now